Andrea's POV
"A-Andrea, I love you" sa sinabi niya, ewan ko pero naiyak ako. Never pang nag- Iloveyou sakin si Jason simula ng maging mag fiance kami. Mas lalo akong naiyak sa tuwa ng maalala ko ang sinabi niya noong nag uusap kami.
"'Di ako nag sasabi ng Iloveyou sa taong di ko naman talaga mahal. Ayokong magpaasa ng tao. Kong sinabi kong mahal ko ang isang babae, sigurado na ako na mahal ko talaga ang siya. Walang halong biro yun "
Tuwang tuwa ngayon ang puso ko. Pinunasan ko ang luha ko ng tumayo si Jason.
"W-Why are you crying? May nasabi ba akong mali?" umiling ako. Huminga ako ng malalim.
"Y-you love me?" ngumiti siya at tumango.
"Oo, mahal na mahal kita Andrea" di ako umimik, hinintay ko siyang magsalita ulit.
"A-ayoko na kasi" nabigla ako sa pagpapatuloy niya.
"Ayoko ng magpanggap pa. A-Andrea, alam kong masyadong mabilis ito pero sa ilang buwan na nakasama kita. Aaminin kong nahulog ako sayo. Ayoko ng maging fiance mo dahil sa sinabi ng mga magulang natin kasi gusto ko ng tutuhanin na natin. Yung tipong totoo na. Yung tipong seryoso na"
Napakagat nalang ako labi ko para pigulan ang iyak ko pero di ko pa'din mapigilan. Sa pag amin niya, sobrang saya ko na. Oo mahal ko siya, masama bang madaling mahulog sa taong ilang buwan ko lang nakasama?
"M-magsalita ka naman 'o" tumingin siya sa mga mata ko. Tinignan ko sin siya, Kita ko sa mata niya ang sincere niya.
"G-galit ka ba?"
Jason's POV
"G-galit ka ba?" di siya umimik kaya mas lalo akong kinabahan. Umiiyak lang siya, ayoko siyang nakikitang umiiyak. Niyakap ko agad siya.
"J-Jason, do you love me?" sa wakas ay nagsalita siya habang yakap yakap ko siya.
"Naalala mo nong sinabi ko sayong di ako nagsasabi ng mahal kita sa taong di ko naman talaga mahal?" sagot ko. Nasa loob kami noon ng kotse ko ng nagtanong siya kong nakapagsabi na ba ako ng Iloveyou sa isang taong di ko naman mahal. Kaya sinagot ko siya na di ako nagsasabi ng Iloveyou sa taong di ko naman mahal.
Niyakap niya ako pabalik.
"J-Jason, Iloveyou too" sa sagot niya ay parang tumalon ang puso ko sa tuwa.
"Y-You love me too?" kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya sa mata niya.
"Yes, Iloveyou" ngumiti ako.
"T-Tayo na?" excite kong tanong pero may halo pading kaba dahil baka ireject niya padin ako.
Ngumiti siya sakin at sumagot.
"Bakit kong sabihin kong manligaw ka muna?" nakakalokong ngiting ang binigay niya sakin ng sinabi niya iyan pero gumaan padin ang pakiramdam ko.
"Ligaw? Kahit naman magiging tayo na ngayon, liligawan ka din kita. Araw araw kitang liligawan" sabi ko sakanya. Namula nanaman siya kaya napangiti ako.
"Shempre nagjojoke lang ako na ligawan mo 'ko" yung ngiti ko ay nawala, parang isang iglap ay bumalik ulit ang kaba ko. Mas malakas na ngayon ang kaba ko kumpara kanina.
"Nagjojoke lang ako na ligawan mo 'ko kasi-" ngumiti siya.
"T-tayo na" nagulat ako sa sagot niya.
"T-tayo na?" tinuro ko pa siya at ako. Tumango naman siya.
"As in girlfriend na kita? At boyfriend mo na ako?" tumango ulit siya.
"Oo! Ang kulit mo!" ngimiti siya. Dahil sa saya ko ay binuhat ko siya at inikot ikot!
"Waaa! Ibaba mo nga ako! Hahaha!" tawa niya kaya binaba ko na siya.
"Wala ng bawian 'a?" tumango siya. Napangiti nalang ako. Naalala ko yung sky lantern. Gusto kong magwish don.
Kinuha ko ang sky lantern sa gilid at binigay kay Andrea.
"Sky lantern? Para saan 'to?" tumungin siya sakin.
"Gusto kong humuling tayo jan" sagot ko na nakatingin padin sa sky lantern.
"Bakit?" tanong niya
"Para tumatag ang relasyon natin" sagot ko.
Sinabi kasi sakin ng lolo ko noong nabubuhay pa siya, humiling daw kami sa sky lantern ng sabay ng taong gusto ko ng makasama habang buhay. Pwedeng hilingin ang lahat para sa ikabubuti ng relasyon. Yun ang ginawa nila ng lolo ko, humiling sila ng sabay kaya sila ang nagkatuluyan kaya gusto ko din gawin iyon.
"Gusto ko yan" sabi niya at hinila ang kamay ko. Sinidian niya ang sky lantern gamit ang mga kandila sa sahig at pumukit siya kaya pumikit din ako.
Sana siya na. Sana h'wag ng mawala si Andrea sa buhay ko. Sana tumatag ang pag iibigan namin.
Simple lang ang hiniling ko kasi yu n naman talaga ang gustong kong mangyari. Gusto ko na siya na ang babaeng papakasalan ko.
Tinignan ko siya, her eyes is still closed. Ang ganda niya padin. Patuloy pa'din akong nakatitig sakanya. Hindi man siya perpekto pero para sakin ang napakaperfect niya.
"Jason?" natauhan ako ng nakatingin na pala siya sakin. Tapos na siya magwish kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa sky lantern at sabay na pagbitaw namin dun ay biglang sumabog ang mga fireworks.
"Waaaa! Ang ganda" nakangiting sambit niya habang nanonood sa mga fireworks sa langit.
"Andrea, totohanin na natin 'to. Ayoko ng maging fiance mo dahil sinabi ng mga magulang natin iyon pero gusto kong maging fiance mo dahil mahal kita" serysong sambit ko sakanya na nanonood siya sa fireworks, alam kong narinig niya ang sinabi ko kaya tumingin siya sakin.
"Jason, aaminin ko na, na kahit di ka palang umamin ngayon ay mahal talaga kita." napangiti ako sa sinabi niya. Tumingin ulit siya sa mga fireworks. Tumingin din ako sa mga fireworks, hinihintay na makita niya ang gusto kong makita niya mula sa fireworks.
Andrea's POV
*Boom!*
Nakatingin padin ako sa mga fireworks. Ang ganda, makulay iyon pero napangiti ako sa di ko inaasahang makikita ko mula sa mga fireworks. May fireworks na sumimbol na mag nakalagay na.
'Andrea Slei, I love you'
Tumingin ako sakanya, nakatingin pala siya sakin. Ang saya ko ngayon, ang saya saya ko.
"Iloveyou too, Jason" sambit ko.
"I love you more than you know, I want to be with you, forever" ngumiti ako then he kissed me.
He kissed me under the light of the fireworks.
~~~~
(N/A: Hi Halfters! Maikli lang po ito. Sorry po, malapit na po kasi ang 1st grading periodical test namin, baka po matatagalan nanaman po ang update pero promise po, hahabaan ko ang update sa next. Thank you. -PinkDarkPrincess)
BINABASA MO ANG
She's a Half Mataray, half Mahina
Teen FictionAllyssa Dimple Klein Cortez a girl who has two sides. A mataray side and a mahina. She's the girl who has a family but she's mahina when she remembered about the past of her family. The past, the reason why her father left her. The past who always m...