Chapter 36
[Ang Utusan ng Reyna]Elmia's P.O.V
SOBRANG bilis ng pintig ng puso ko. Tama lang naman talaga na umalis ako don kanina. Kailangan nila ng time para mag-usap, at hindi ako kasali don.
Pero...bakit nandito si Prinsesa Akira? Kanina lang din ay may nakita akong mga kawal na mukhang taga Valeria. Siguro'y mga kawal ng Porlatessa ang mga 'yon.
Anong sadya nila dito?
Nagtanong muli sa akin si Emma kung anong ginawa at pinuntahan namin ni Leon. Sinabi kong saglit lang kami at sinama ako ni Prinsipe Rafael. Mamaya ko na sa kaniya sasabihin ang buong kwento at mukhang interasadong interesado talaga siya. Narinig ko na naman sa bibig niya ang..
"Ang swerte swerte mo talaga, Mia!"
Swerte ba talaga ‘yon?..
Mayamaya ay dumating na si Pinunong Miranda at sinabing kailangan na naming maghanda para sa tanghalian ng mga kamahalan at paparating na sila. Heto na naman ang kaba ko.
Nagpunta kami sa kusina at kinuha ang mga nakahandang pagkain doon saka bumalik sa silid kainan para dalhin doon.
Napalunok ako ng makitang kumpleto silang naghihintay ngayon ng mga ihahain.
Napatingin ako kay Rafael na seryosong nakatingin sa lamesa.
Pagkatapos kong mailapag ang hawak kong pagkain ay pumwesto na ako sa bandang likuran ng upuan ni Leon.
Nag angat ng paningin sa akin si Rafael na katapat ni Leon.
Nag iwas ako ng tingin.
Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Emma sa gilid, mukhang nakita din ang tingin sa akin ni Rafael. Napayuko nalang ako.
Ilang minuto nang magsimula silang kumain ay tumikhim ang Hari.
"Rafael, mabuti naman at sumabay ka nang kumain sa amin ngayon.." dinig kong sambit ng Hari. Napatingin ako kay Rafael na tuloy pa ring kumakain at tila walang naririnig. Samantalang sila Leon at Sellestina ay nakatingin na sa kaniya. Ang Reyna naman ay nakatitig lamang sa pagkain at hinihintay ang iba pang sasabihin ng Hari.
"Siguro'y alam mo na kung bakit nagpunta sina Alfonso at Akira dito, hindi ba? Nagkita ba kayo kanina bago sila umalis?" Nakangiting dugtong pa ni Haring Falcon. Kumunot ang noo ko sa narinig.
Tipid na tumango naman si Rafael kaya mas lalong nangiti ang Hari.
"Mabuti kung ganoon... napag-usapan na rin namin ni Alfonso kung kailan ang kasal."
Napakurap kurap ako. Napalunok. Kaya pala...mabuti nga talaga na umalis ako kanina doon dahil pinag usapan na nila ang nalalapit nilang kasal.
"Hindi ako magpapakasal, ama." Nag angat ako ng paningin kay Rafael ng sabihin niya iyon. Nakatingin lamang siya sa pagkain at hindi na ito ginagalaw.
Nakita kong natigilan si Haring Falcon. Naibaba niya ang mga kubyertos niya.
"A-Ano?...akala ko ba'y.."
"Nagkakamali kayo ng iniisip sa amin ni Akira." Seryosong usal ni Rafael.
"Mamaya na natin pag usapan ‘yan, pwede ba? Kumakain tayo." Singit naman ng Reyna na hindi pinakinggan ng Hari.
"Ano bang sinasabi mo, Rafael?! Heto na naman ba tayo?"
Nilingon na siya ni Rafael. "Ama, kahit si Akira ay wala na ring balak mag pakasal kaya pwede ba..?"
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...