CHAPTER 47: Halatado

425 27 1
                                    


Chapter 47
[Halatado]

Aria's P.O.V

"KAPAG sinabi niyang umalis ka na...umalis ka na."

Napatitig ako kay Leon ng sabihin niya iyon sa harap ni Veron. Lumapit ako at hinawakan siya para kumalma. "Leon.."

Bumaling naman ako kay Veron na nakangisi na ngayon.

"Kung inaakala mong matatakot mo ko, dahil Prinsipe ka, nagkakamali ka. Hindi kami sakop ng mga bayan niyo kaya huwag kang magyabang sa harap ko. Umalis ka na baka kung ano pa magawa ko sa'yo."

"Veron!" Galit na pigil ko sa kaniya.

Sinulyapan niya ako pero bumalik din ang masamang titig niya kay Leon.

Pumunta ako sa gitna nila at pilit itinulak si Veron para lumayo.

"Ayoko ng gulo. Kaya pwede ba umalis ka na?" Galit na sambit ko sa kaniya. Nakita ko ang galit na titig niya sa akin saka muling tiningnan si Leon sa likuran ko pagkatapos ay tumalikod at umalis na siya na sinundan ng kaniyang mga kasama.

Tinanaw ko ang paglayo niya bago nilingon si Leon. Nakakunot ang noo niya at mukhang galit na din.

Nilingon ko si Tierra na nakahalukipkip sa gilid niya. "Patay na patay pa rin talaga sa'yo 'yang si Veron, ate." Aniya.

Hindi ko siya pinansin at hinila nalang si Leon paalis. Napatingin siya sa akin.

"Teka, Nasaan na sila Rafael?!--K-Kapitan! Huwag niyo kong iwan mag isa dito!" Rinig kong sigaw ni Tierra pero hindi naman na siya humabol pa.

Napalunok ako at mabilis nalang na naglakad habang hinihila si Leon sa kung saan para lang makalayo doon.

Nang makarating sa isang tindahan na marami ring bumibili ay nagsimula na rin akong mamili ng mga pagkain. Binitawan ko si Leon at pinagtuunan na lamang ng pansin ang mga paninda. Palihim akong napangiti.

"Ganoon ba talaga 'yon?" Napalingon ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita.

"Hmm? Si Veron? Oo mayabang talaga siya." Sagot ko saka bumaling ulit sa paninda. Nang makapili na ay binili ko na iyon. Agad kong inabot sa tindera ang bayad. Humarap na ako kay Leon.

"Hindi, ganon ba talaga siya sayo? Pag nagkikita kayo?" Natigilan ako.

Napabuntong hininga ako at nagsimula nang maglakad papunta sa ibang tindahan, naramdaman kong sinusundan niya ako. "Ah, oo..matagal niya na kasi akong pilit sinasama sa grupo nila. Kahit buhay pa si ama noon. Sabi pa siya ng sabi na gagawin niya daw akong asawa dahil daw mas yayaman ako kapag kasama ko siya." Sarkastiko akong natawa ng maalala ang mga pinagsasabi sa akin ni Veron noon hanggang ngayon.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Mabuti at hindi ka pumapayag?"

"Hindi naman ako tanga para pumayag at magpakasal lang sa kaniya. Hindi kasingkitid at liit ng utak niya ang utak ko." Turo ko sa sintido ko. Natawa siya.

"Ano siya? Eh, kung ginawa niya akong asawa, edi inalila niya pa ako? Eh, sa barko ko, ako ang kapitan. Ako ang nasusunod, hindi ba?" Natatawang sabi ko sa kaniya. Muli siyang natawa at tumango tango.

"Tama tama.."

Pinagmasdan ko ang nakangiting mukha niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na akala mo tumakbo ako ng malayo dahil sa sobrang bilis nito.

Napakurap ako at napangiti nalang.

~*~

Third Person's P.O.V

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon