Chapter 27
[The Traitor]Elmia's P.O.V
"MAHAL na Hari, hindi nga ako ang may kagagawan ng paglason! Maniwala naman kayo sakin.." halos maririnig mo na ang kalungkutan sa boses ni Rafael.
Kumalabog ang dibdib ko sa naramdamang awa sa kaniya. Kaya bago pa makapagcomment na naman ang Hari ay nag salita na ako.
"Anong--!?"
Humakbang ako palapit. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Aling Rosa sa likuran ko. "Mia!"
"Kamahalan..." Magalang akong yumuko sa kaniya.
Naramdaman ko ang mga mata nila sa akin. Sa harap ko ay si Rafael. Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Narinig na niya ang boses ko pero hindi niya pa din ako nililingon. Gusto kong lingunin niya ako. Gusto kong makita ng malapitan ang mukha niya.
Napalunok ako. Kinakabahan ako sa mga tingin nilang lahat. Lalo na ang Hari't Reyna.
"Anong kailangan mo, Binibini?" Aniya sa isang kalmadong boses. Dahil don ay gumaan ang pakiramdam ko. Lumapit pa ako ng konti paharap, pero malayo sa kinatatayuan ni Rafael.
"Uhm..." napayuko ako. Ano bang kailangan ko? Anong sasabihin ko?
"Hindi ba't ikaw yung babae kagabi? Yung isa sa mga nalason?" Napatingala ako sa narinig na boses. Ang Reyna. Si Reyna Esmeralda..
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Mabuti't gumaling ka at nabuhay." Ngumiti siya sa akin. Tipid din akong ngumiti sa kaniya. "Ang anak kong si Leon ang nagpagaling sayo, hindi ba?" Malaking ngiting tanong niya. Tumango ako.
"O-opo, Mahal na Reyna." Kinakabahang sagot ko. Ngumiti siya. Biglang napadpad ang tingin ko kay Prinsesa Sellestina. Nginitian din niya ako.
"Anong kailangan mo?" Pag uulit ng Hari dahilan para mabaling ulit ang tingin ko sa kaniya.
Napalunok ako at napabuga ng hangin para labanan ang kabang sumasapi na naman sa akin.
"Uh, ano po kasi....kasi..." Gusto kong batukan ang sarili ko nang makalimutan ko ang sasabihin.
Naramdaman kong nakatitig na silang lahat sa akin maliban kay Rafael at hinihintay na ang sasabihin ko. Napakamot ako sa ulo ko. Ano na nga ulit sasabihin ko?
"Ano?" Tila nauubusan na ng pasensya ang Hari. Bigla akong nagpanic. Nanginig bigla ang mga tuhod ko. Shuta, lupa lamunin mo na ako, now na! As in now na!
Hindi ko naman alam na ganito palang sobrang nakakakaba na makausap ang mga nakatataas dito, lalo na't Hari pa. Nakita kong gumalaw ang ulo ni Rafael at lumingon ng bahagya dito sa pwesto ko, gilid lang ng mukha't mata niya ang nakita ko. Siguro ay hinihintay din ang sasabihin ko. Baka sabihin niya nagpapapansin lang ako dito.
Sa sobrang kaba ay nailibot ko ang paningin sa paligid ng bulwagan. At aksidenteng nakita ang isang tao. Ang isang babaeng nakatayo sa gilid. Maayos ang pagkakatayo at hindi nakatingin sa akin. Sa sahig nakatuon ang mga mata niya. Magkasalikop ng maayos ang mga kamay niya. Kumikibot kibot ang labi niya. Biglang may bumalik sa alaala ko kagabi.
"Aray! Pasensya po--" Paghingi ko ng paumanhin sa nabangga kong babae. Halos kumirot ang kanang balikat ko sa impact ng pagkakabangga namin.
Napatingin ako sa kanya. Mukhang tagapagsilbi siya dito sa palasyo. Nakasuot kasi siya ng uniporme na pang tagapagsilbi. Nagtama ang paningin namin tsaka niya ako tinanguan. Mukhang nagmamadali siya pero tinawag ko na siya.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasíaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...