Chapter 29
[Saving Lucia]Elmia's P.O.V
PARA akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Lucia. Dahan dahan akong napalunok.
"A-Anong ibig mong sabihin?..." Mahinang bulong ko, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Parang may kung anong gumuguho sa loob loob ko.
Iniangat niya ang paningin sa akin. Nakita ko na naman ang pamumula ng mata niya kasabay ng pangingilid ng luha niya.
"S-Si Prinsipe Leon ang gumawa ng lason, p-para mamatay ang mga mamamayan sa Valeria..." Hindi ako nakagalaw. Parang ayaw mag sink-in sa akin.
"Hindi ka ba nagtataka? Kung bakit ka buhay ngayon? Narinig kong si Prinsipe Leon.. ang kumuha sayo kagabi nung mawalan ka ng malay. K-Kaya sigurado rin akong siya ang gumamot sa'yo." Dagdag niya pa.
Mas lalo akong mapatulala sa kawalan. Bumilis ang kabog ng puso ko. S-Si Leon lang ang nanggamot sa akin nung gabing ‘yon.
Hindi.. hindi 'to pwede. B-Bakit nagawa ni Leon ‘yon? Kasabay ng gulat at kaba ay biglang may gumapang na galit sa sistema ko.
Tulala akong umalis sa Pissar kasama ng iba pang mga tagapagsilbi. Tinawag ko nalang ulit si Aling Rosa para makapag palit kami ng damit.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakapaniwala sa mga nalaman.
Hanggang ngayon ayokong maniwala.
Hindi. Kilala ko si Leon. Mabait siya at hindi niya magagawa iyong paglalason sa buong mamamayan ng Veleria. Pero sa tuwing bumabalik ko sa alaala ko ang mga sinabi sa akin ni Lucia ay nagdadalawang isip ako kay Leon, kung lubusan ko na nga ba siyang kilala.
Kaya ko pinuntahan si Lucia sa Pissar ay para malaman kung anong motibo niya kung bakit niya ginawa iyon, para kung sakaling matulungan ko siya. Hanggang sa nalaman kong ang gumawa ng lason ang siya mismong kayang gumamot sa lason na iyon, at akala ko na siyang gumawa ng lason. Pero nagkamali ako.
Hindi siya...
Ni halos hindi na ako nakapagpaalam kay Rafael na aalis na ako. Sabi rin kasi sa akin kanina ni Aling Rosa, pagkatapos daw makausap ni Rafael ang Hari ay nagpunta daw ito sa Bayan ng Porlatessa. Siguro'y hihingi ng paumanhin sa nangyaring kaguluhan kagabi. Lalo na at nandoon pa kagabi ang dalawang Prinsesa. Inalis ko muna ‘yon sa isipan ko dahil mayroon pa akong iniintindi sa ngayon.
Tulala akong bumababa ng hagdan papunta sa tanggapan ng palasyo. May mga nakakasabay akong iilang tagapagsilbi na may iilang napapatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin at dire-diretso na akong lumabas.
Pero napahinto nalang ako ng makita kung sino ang naglalakad palapit sa akin ngayon.
Napalunok ako. Dahil sa gulat ay bahagya kong naihakbang paatras ang isang paa. Nasilayan ko na naman sa kaniya ang matamis na ngiti sa mukha niya. Dati gustong gusto kong makita ang ngiting ‘yan dahil nakakagaan sa pakiramdam. Pero ngayon..pakiramdam ko dahil sa ngiting 'yan ay naitatago niya ang lahat ng sikreto niya.
"Mia, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Aniya pagkalapit sa akin. Dali-dali akong nagbow sa kaniya, isang dahilan ay para gumalang sa kaniya dahil Prinsipe siya, pero may isa pa akong dahilan kaya ko iyon ginawa. Para makaiwas sa tingin niya. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayon.
Nakaramdam din ako ng pagkairita sa tono ng tanong niya.
Ikaw ang naglason sa akin tapos ngayon tatanungin mo kung maayos ba ang lagay ko.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga ‘yan pero ‘di ko magawa. Kahit papaano ay siya pa din ang gumamot at nagligtas sa akin sa kamatayan.
"A-ayos lang, Mahal na Prinsipe, sige alis na ako." Marahan ulit akong yumuko bago ko siya nilagpasan at dumiretso na sa may malaking pintuan palabas.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...