CHAPTER 39: Finding Mia

446 22 0
                                    

Chapter 39
[Finding Mia]

Elmia's P.O.V

BAKIT pa nga ba ako nagtagal dito kahit alam ko naman na ang daan pauwi? Kahit alam ko na kung paano ako makakabalik?

Dahil malayo ang Eisera. Iyon ang lagi kong dinadahilan sa sarili ko kung bakit ayoko pang umalis.

Pero ang totoo..may maiiwan ako dito. May napamahal na sa akin dito. May minahal na ako dito. Marami na ring napalapit sa akin dito na hindi ko na din yata kayang iwan.

Pero ngayon, parang blangko na lahat sa utak ko. Ang gusto ko nalang ay umalis at tumakas sa lugar na ito.

Napaangat ako ng tingin sa madilim na langit. Tanging ang maliwanag na buwan at mga bituin nalang ang kasama ko ngayon.

Nagawa kong makatakas sa palasyo sa pamamagitan ng butas doon sa may pader ng palasyo na itinuro ni Antonio.

Napayakap ako sa sarili ng biglang umihip ang malamig na hangin. Naalala ko sila Antonio.

Sana kapag nakaalis na ako, huwag sana nila akong kalimutan...

Napakurap kurap ako at pinagpatuloy ang paglalakad, medyo nakalayo layo na rin ako sa palasyo pero hanggang dito sa posisyon ko ay tanaw na tanaw pa rin ang maliwanag na palasyo ng Valeria.

Ang palasyo na naging parte na rin ng buhay ko. Ang mga tao doon...

Mabilis na nangilid ang luha ko ng maalala sila..

Umiling iling ako at mas binilisan pa ang lakad.

Halos malapit na ako sa gubat ng Eisera ng pumutok na ang araw. Nanginginig na ako sa pagod, gutom at uhaw. Napahawak ako sa nahintuang puno. Pinunasan ko ng aking braso ang tumatagaktak na pawis sa noo ko.

Nang makapagpahinga ay nagsimula na ulit akong maglakad. Mas lalo akong nabuhayan nang marinig na ang tunog ng lagaslas ng tubig sa ilog.

Ibig sabihin malapit na din ako punong 'yon!

Napangiti ako at mabilis na naglakad pa. Agad akong tumakbo papunta sa malinaw at malinis na ilog at uminom nang tubig na sinalok ko gamit ang dalawang kamay.

Nang makainom ay napalingon lingon ako sa mga puno. Tinuro ko ang bawat isa at inaalala kung saan ba doon lumalabas ang portal. Huminto ang turo ko sa isa sa pinakamalaki na malapit lang din sa ilog.

"Tama, ito 'yon.." saka ako lumapit sa harap nito. Napahawak ako sa katawan nito, umaasang lalabas ang portal pero napatampal nalang ako sa noo ng may maalala. "Oo nga pala..hatinggabi pa yon lalabas!" Mariin akong napapikit at napaupo nalang. Isinandal ko ang likuran at ulo ko sa katawan ng puno. Pinanood ko nalang ang lagaslas ng tubig at napapikit.

Hihintayin ko nalang ulit maghatinggabi..

Narinig ko ang biglang pagkalam ng sikmura ko. Napunok ako.

Pinilig ko ang ulo."Itutulog ko nalang 'to." Pumikit ako pero hindi ko makuhang matulog kaya napadilat nalang ulit ako.

Muli akong napatingin sa ilog. Biglang bumalik ang mga alaala sa akin.

Yung pagtulak sa akin ni Rafael sa ilog, yung binasa ko siya, ang pagtatalo namin. At doon nagsimula..

Mariin akong napapikit. Bakit ko pa ba inaalala ‘yon. Eh, siya nga walang pakielam.

Nangibabaw ang galit ko kaysa sa lungkot ko ngayon.

Ginusto niya akong ipapatay kay Zephir kagabi. Siya pa talaga ang nagsabi. Kung kailan mas lumilinaw na sa akin ang nararamdam ko sa kaniya, saka niya gagawin 'yon.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon