Chapter 3
[Pangalawang Ina]Elmia' P.O.V
PAGKAAKYAT ko sa second floor nitong bahay medyo ay kinilabutan pa ako. Dahan dahan lang ang lakad ko habang sinusuri ang buong lugar. Tumambad sa akin ang isang medyo mahabang pasilyo.
Sa bungad lang kung saan ang makikita mo agad pagka-akyat mo sa hagdan maliwanag pa pero sa pinakadulo ay madilim na. May tatlong pintuan Doon at yung pangatlong kwarto ang parteng madilim. Tumingin ako sa mga dingding at makikita mong hindi nalilinisan dahil sa mga sapot ng gagamba. May ibang parte din ng dingding ang nasisira na dahil na din siguro sa katandaan ng bahay. Wala ring ibang gamit pa ang naroon o kahit mga portraits lang ng pamilya o sarili ni Aling Leticia.
Nang nakalapit ako sa tatlong kwarto ay nakita ko ang pangalawa at pangatlong kwarto yung mga nasa pinakagilid.
Lumapit at sumilip ako sa ika-unang kwarto. Nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako habang hila-hila ang malaki kong maleta. Sinulyapan ko ang cellphone ko at nakitang alas singko na pala. Iginilid ko na ang mga gamit ko sa sulok ng kwarto.
Isinarado ko ang pintuan at tiningnan ang buong silid.
"Wow...mukhang inayos talaga ni Aling Leticia ang kwarto na 'to para sakin." Napangiti ako at nakaramdam ng labis na tuwa.
Nakaayos ang kama na kulay puti at sa gilid naman ng kinatatayuan ko ay isang malaking cabinet kaya kinuha ko ulit ang maleta ko at inilipat sa cabinet ang mga damit. Nung una akala ko may ipis o malalaking gagamba ang bubungad sakin dahil talagang lumang luma na ito. Pero dahil wala naman ay nakahinga ako ng maluwag. Nang matapos ay naligo muna ako pagkatapos ay nagpahinga.
Kinagabihan ay nagulat ako dahil tinawag ako ni Aling Leticia na kakain na kami ng hapunan. Adobo ang ulam. Nag-alangan naman muna ako kung kakain ba ako dahil nakakahiya.
"Huwag kang mag-alala hindi ako kumakain ng adobong tao." Seryosong sabi bigla ni Aling Leticia! Nalaglag ang panga ko. Saka malakas na natawa.
Tinago ko ang hiyang naramdaman dahil ‘yan yung iniisip ko talaga kanina. Ang sama ko ba?
Sumubo ako at nung natikman ko iyon ay sobrang sarap! Nakalimutan ko yung offer ko kanina na hindi ako magiging matakaw kumain. Siguro dahil na rin sa pagod kaya napadami ang kain ko ngayon.
"Salamat po pala.." pagbabasag ko sa katahimikan.
Pero ang mas nakakatuwa ay akala ko magagalit siya dahil kinausap ko siya, pero atleast nagbigay siya ng tipid na ngiti.
"Siya nga pala, Aling Leticia.. Hindi niyo po ba sasabihin yung kunyari, one month deposit, one month advance, eme eme?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
Mukhang naguluhan siya. Hindi niya ba alam 'yon? Tumawa nalang ako ng malakas. "Huwag niyo nalang po pala, intindihin 'yon! Basta ang mahalaga magbabayad po ako, magkano po ba a month?"
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Nang mapansin niyang hinihintay ko ang sagot niya ay tiningnan niya ako. "Kumain ka na, sa susunod nalang natin pag usapan 'yan,"
Napanguso nalang ako. Huwag sanang mahal.
Pagkatapos kumain ay nagprisinta na ako na ang maghuhugas ng mga plato at hindi naman siya umangal at nakipagtalo.
Bago matulog ay binuksan ko muna ang cellphone ko para itext sana si Cindy kaso pina-ulanan pala niya ako ng sunod-sunod na messages!
Cindy:
Bes? Okay ka lang ba diyan?
3:50 pmCindy:
BUHAY KA PA BA, ELMIA???!
4:24 pm
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...