CHAPTER 14: Leon & Sellestina

883 89 34
                                    


Chapter 14
[Leon & Sellestina]

Leticia's Point of View

----

"Ina!!! Huwag mo kaming iwan!"

"Inaaaa!!!"

"Pakiusap, ina!"

"Huwag niyong ilayo sa akin ang aking ina!"

"I-ina??!!"

Napadilat ako sa sigaw sa panaginip ko. Sila na naman...

"Mga anak ko..."  Nanlabo ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadyang bumagsak.

Gabi gabi na lang... Kahit hindi ko man lang sila nakita noong umalis ako doon.. palagi naman sila ang napapanaginipan ko.

Napatingin ako sa bukas na bintana na katabi lamang ng aking kama.

Anong oras na kaya? Baka bukas na naman ang lagusan sa oras na ito..

Lagusan patungo sa aming mundo. Kung saan ako galing. Hindi ako taga rito kaya kahit matagal na ako sa lugar na ito, hindi ako nakikihalubilo sa iba. Tanging si Mia lang talaga ang nagtiyaga sa akin.

Laking pasasalamat ko talaga sa batang iyon, dahil kahit papaano ay hindi na ako masyadong nalukungkot.

Napangiti ako. "Bukas ay lulutuan ko siya ng masarap na ulam." Bulong ko sa sarili. Anak na rin ang turing ko kay Mia. Kapag naaalala ko ang mga ngiti at tawa niya ay sumasaya na rin ako.

Lumamig ang ihip ng hangin na galing sa aking bintana. Mukhang gabi pa dahil madilim pa sa labas. Napapikit ulit ako para makatulog na sana ulit nang...

"P-portal???? W!!!!! NAYYYY TULONGGGG!!!!" Mabilis akong napadilat.

Anong nangyayari?!

Mukhang nasa kabilang kwarto siya! Ang lagusan! Hindi pwede!

Mabilis akong napatayo at tumakbo papunta sa silid na iyon!

"AHHHHHHH!!!!!! NAYYYYYYY!!" Malakas kong binuksan ang pintuan pero huli na ang lahat!

"M-mia!!!!!!" Nakapasok na ang kanyang ulo sa loob ng lagusan papunta sa aming mundo!

"MIA!!" sigaw ko. Pero....Wala na. Wala na siya. Naroon na siya.

"Hindi...hindi pwede!" Napatakbo ako doon sa marka ng lagusan sa pader. Napaluhod ako sa harap nito. Napatakip ako sa mukha at umiyak ng umiyak..

"Mia..." Napahagulgol ako.

Bakit ba nangyayari ito?

Hindi siya maaring mapunta sa napakalupit na mundong iyon. Hindi!

Nanatili pa din ang aking pagluha.

Nawala na ang liwanag sa paligid ng lagusan. Ibig sabihin naroon na talaga siya...

Kahit na gusto kong sumunod roon ay hindi pwede. Dahil naparusahan ako sa mundong iyon at kapag ako'y bumalik 'don baka mapahamak pa ang aking mga anak. Saka isa pa tuwing hatinggabi lang lumalabas ang lagusan.

Pero paano si Mia? Itinuring ko na din siya bilang aking anak.

Wala siyang kaalam alam sa lugar na iyon. Wala siyang kakilala. Sigurado akong sobra siyang malulungkot. Pero naniniwala akong matatag at malakas ang kanyang loob.

"M-mia..."

Hindi ako nakatulog sa naganap, ni hindi ako umalis sa pwesto kong iyon. Nakaupo pa din ako sa tapat ng lagusan. Nagbabakasakali na sana ay bumukas ulit ito at bumalik si Mia. Pero hindi. Wala. Wala na talaga siya dito.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon