Chapter 69
[Ang Hiling]Third Person's P.O.V
"MARAMING tao, walang makakapansin sayo basta't humalo lang tayo sa kanila," bulong ni Farrah kay Liranea na nasa likuran niya. Nakasuot ito ng mahabang cloak at natatakpan ang mukha niya dahil nakayuko rin siya. Naglalakad sila papunta sa punong bulwagan kung saan naroon ang pagtitipon para sa kaarawan ng Prinsipeng si Rafael.
Pagkapasok nila ay pumuno agad sa kanilang mga tainga ang maingay na kapaligiran na galing sa musika na nagmumula sa iba't ibang instumentong pinapatugtog. May nakikita rin silang mga sumasayaw sa gitna.
Dahan dahang inangat ni Liranea ang kaniyang mukha at tinanaw sa pinakaharap si Falcon. Nakangiti ito sa mga tao. Sumakit ang dibdib niya ng muli itong mapagmasdan. Ang lalaking pinili niya. Ang lalaking tanging minahal niya, ngunit hindi siya nagawang pagkatiwalaan at ipaglaban.
Napatingin naman siya sa bagong Reyna na katabi nito sa trono. Ngunit hindi niya na pinatagal ang pagtingin dito at binaling nalang ang mga mata sa anak niyang bunso.
"Sellestina.." mabilis na nangilid ang mga luha sa mga mata niya ng makita ang kaniyang pangalawang anak. Malaki na ito at natutuwa siya dahil muli niyang napagmasdan ang anak na babae. Halos dalawang taon palang si Sellestina ng mawala siya sa tabi nito kaya ngayong ganito na ito kalaki ay labis siyang nasasaktan.
Nasasaktan dahil hindi niya natunghayan ang paglaki nito.
Nagbalak siyang lumapit pero agad siyang pinigilan ni Farrah.
"Sa ibang araw mo na lamang kausapin si Sellestina. Huwag ngayon, Liranea.." bulong niya.
Mariing tiningnan ni Liranea ang bunso saka bumaling sa kaniyang panganay na si Rafael.
Nakatayo lang ito at hindi man lang nakangiti, tila may hinahanap rin sa mga tao.
May nagsalita na sa harap patungkol sa kaarawan ng Prinsipe. Pero pagkatapos kumain ay napatitig si Liranea kay Rafael ng mapansing umalis ito sa harap.
Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin ang mukhang sinusundan ng anak.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Mia. Mabilis ang lakad nito palabas ng bulwagan. Ngayon na lang niya ulit ito nakita at kahit gusto niyang sumunod ay hindi pwede.
Maya maya ay napansin na ng mga tao na wala na si Rafael sa pagdiriwang. Nagbulong-bulungan ang mga ito, ni hindi nila napansin kanina dahil sa mga nagtatanghal sa gitna.
Bumaling si Liranea sa harap at nakita si Falcon na nakakunot na ang noo at mukhang pinapahanap na si Rafael sa mga kawal. Napatingin naman siya sa Reynang katabi nito.
Si Esmeralda na nakangisi at tahimik lang sa kaniyang trono habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid.
Nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Nagmasid siya sa paligid ngunit aksidente niyang nalingunan si Kahel.
Mariin niyang naikuyom ang mga kamao sa galit. Bumalik ang galit at sakit na unti unti na niya sanang kinakalimutan.
Sa lahat ng pinagsamahan nila ni Kahel ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa siyang traydurin nito.
"Saan na ba kasi nagpunta ang batang 'yon..." Rinig niyang sabi ni Farrah sa tabi niya. Mukhang hinahanap ng mga mata si Rafael.
Ilang sandali pa ang nagtagal ng biglang natigilan ang lahat. Hindi inaasahan sa paparating na bisita.
Naghiyawan ang ilang tao ng makita ang biglang pagsugod ng mga tiga Racon na pinamumunuan ng kanilang Hari na si Zephir.
Namatay na ang mga kawal na nagbabantay sa labas. Nabahala ang mga kawal sa loob kaya agad silang naghanda para protektahan ang mga tao at ang Hari't Reyna.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...