CHAPTER 22: Sentro

666 54 21
                                    


Chapter 22
[Sentro]

Elmia's P.O.V

ISANG linggo na ang lumipas simula nung makapagpahinga ako sa palasyo. Si Aling Rosa naman at ang kanilang mga hanay ang nandoon ngayon.

Hindi naman ako nabagot sa pamamalagi ko rito sa Valeria dahil sinasamahan ako palagi ni Antonio na lumibot at pumasyal sa mga sitio rito. Tulad na lang ng Sitio Aromus, Shinea, Paeonia at Pentelin, at sa pagkakaalam ko nakatira kami sa Sitio Cirea.

Sadyang napakalawak pala ng Valeria, bawat Sitio ay malalawak at maraming mamamayan. Bawat tao ay halos masiyahin at mapagbigay.

May mga pagkakataon na naiisip ko ng bumalik sa gubat, doon sa Eisera, para makapasok ulit ako sa portal at para makabalik na ulit ako sa mundo ko--kung saan ako galing.

Pero sobrang layo no'n dito sa Cirea, at.. ewan ko ba kung bakit parang ayaw ko pa munang umalis sa lugar na ito.

Siguro sa ibang araw na lang..

At dahil isang linggo na din ang nakakaraan ng pumasok bilang tagapagsilbi si Aling Rosa sa palasyo ay ako na muna ngayon ang bahala sa bahay.

Napaisip ako.. siguro may bago na din siyang sariling tagapagsilbi...

Hinahanap kaya ako nung lalaki na 'yon? Siguro sobrang saya na niya dahil wala nang mangungulit at manggugulo sa kanya. Tahimik na ng isang buwan ang buhay niya.

Pero ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagbabasa na naman kaya sa hardin?

"Mia,"

Hay nako, bakit ko pa ba siya iniisip. Wala ngang pakielam sa akin 'yon!

"Elmia." Bumalik ako sa realidad ng may humawak sa balikat ko. Napatingin ako kay Prinsipe Leon.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango ako at humingi ng tawad sa kanya.

Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil si Leon ang kasama ko pero iba ang iniisip ko.

Nandito kaming dalawa ngayon sa Sentro at medyo magdidilim na din.

Nagulat kaming dalawa ni Antonio kaninang umaga ng nakita namin siya sa pamilihan. Kaya pinauna ko nang umuwi si Antonio at may tiwala naman akong makakauwi siya ng ligtas. Kaya ngayon kaming dalawa nalang ni Leon at kanina pa kami palakad lakad at namamasyal dito sa Sentro.

"Sigurado ka ba? Kanina pa kita kinakausap, ngunit mukhang Wala ka sa iyong sarili," napatingin ulit ako sa mukha niya at bakas talaga doon ang pagtataka. Naguilty ako bigla.

"P-pasensya na, Kamahalan.." Napayukong sabi ko. Pag angat ko ng tingin ay nakakunot na ang noo niya habang nakatitig sa akin.

May nasabi ba akong mali?

"Mia, hindi ba't sinabi ko na sayo na kahit Leon nalang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa na lang." Seryoso niyang sabi.

Saglit akong natigilan. Kahit ilang beses niya nang sinabi na alisin ko na ang pormalidad kapag kasama siya ay nakakalimutan ko pa rin, tsaka hindi pa rin ako nasasanay. Hindi ko alam kung bakit kapag si Rafael ay ayos lang sa akin--

"Oo, sige.." nakangiting sabi ko kay Leon. Ayoko nang mag isip dahil napupunta lang sa iba ang utak ko.

Napangiti na din si Leon.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Sinabi niya pa na naging malungkot daw ang palasyo nung nawala ako. Natawa naman ako bigla.

"Echosero!" Natatawang sabi ko sabay hampas sa braso niya.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon