CHAPTER 35: Baka nga?

467 25 1
                                    

Chapter 35
[Baka nga?]

Mia's P.O.V

Saglit lang kami sa Sentro ni Leon dahil simula ng umalis kami sa palasyo ay mukhang hindi na siya mapakali.

Inaya ko na siyang umuwi agad dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya na agad naman niyang sinang ayunan.

Pagkarating sa palasyo ay hinatid ko muna siya sa kwarto niya.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko. Nakatalikod siya ngayon sa akin at mukhang malalim ang iniisip.

Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang mukha niya. "Leon.."

Napakurap siya at agad akong hinarap. "O-oo..ayos lang ako, Mia. Naalala kong marami pa pala akong gagawin. Tatawagin nalang ulit kita kapag wala na akong masyadong inaasikaso."

Tumango tango. "Sige..aalis na muna ako at pupuntahan ko lang si Emma." Paalam ko. Tumango siya at nagbigay ng tipid na ngiti.

"Sige.."

Nginitian ko din siya saka ako marahang yumuko pagkatapos ay tumalikod na ako at dumiretso sa pintuan palabas.

Kumunot ang noo ko. Ano kayang problema niya?...


~*~

Third Person's P.O.V

Pagkalabas ni Mia ay kasabay ng paglaho ng ngiti ni Leon. Kanina pa siya nababagabag dahil sa nangyari sa kanila kanina bago umalis ng palasyo.

Umupo siya sa kama. Napakuyom ang kamao at nagtiim ang panga.

"Talagang hindi kayo titigil.." bulong niya sa sarili habang matalim ang paningin kung saan.

Mabilis siyang tumayo. Dumiretso siya sa pintuan at binuksan ito. Nang makalabas ay nakita niya pa si Mia na naglalakad patungo sa silid kainan. Naglakad siya salungat na pasilyo palabas. Mabilis at malalaki ang hakbang niya papunta sa silid na iyon. Alam niyang doon niya matatagpuan ang isang hukom.

Si Kahel..

Nang tumapat sa pinto ay walang pagaalinlangan niya itong binuksan ng pabagsak. Bumungad sa kaniya ang isang lalaking nakaupo sa harap ng mesa at inaabala ang sarili sa pagbabasa ng ilang libro. Mukhang nagulat ito sa biglaang pagpasok ni Leon.

Ibinaba niya ang binabasang libro sa ibabaw ng lamesa.

"Oh? Mukhang maaga kayong bumalik ng tagapagsilbi mo--"

"Anong sinabi mo sa kaniya?!" Galit na sambit ni Leon.

Gulat na napatingin sa kaniya si Kahel na mukhang natutuwa pa.

"Kumalma ka, Leon.." ngumisi ito. "Hindi ba't sinabi ko na kanina ang tinanong ko sa kaniya? Ikaw naman, Wala kang tiwala sa akin--"

"Talagang wala! Oh, ano ngayon? Masaya ka na? Alam mo na?" Lumapit siya sa mesa at pabagsak na inilagay ang dalawang kamay.

Ngumisi si Kahel. "Hindi naman ganoon kahirap ang paghanap sa babaeng sinasabi mo, Leon. Si Elmia.."

Mas lalong nagalit si Leon. "Talagang hindi ka pa rin tumigil, ano?"

Umiling si Kahel. "Hindi! Sa katunayan ay wala na sa isip ko ang bagay na iyan...kaso, hindi ko sadyang nakita kayo. Tsk, ikaw naman kasi masyado halatado ang kilos mo doon sa tagapagsilbing iyon."

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon