Chapter 16
[She's mine]Elmia's P.O.V
"HINDI BA KAYO NAHIYA?!" Napatungo kaming lahat sa sigaw ni pinunong Miranda.
Nandito siya sa kwarto namin ngayon at pinapagalitan niya kami dahil sa nangyari kagabi.
"Ngayon lang may nangyaring ganito sa hanay ng mga tagapagsilbi!" Sobrang tahimik at tanging siya lang ang nagsasalita. Maririnig mo talaga sa kanya ang galit at disappointment.
"At nasaksihan pa ng Prinsipe! Ano bang mga nasa isip niyo at nagkagulo kayo?!" Sigaw niya. Nakatayo kaming lahat habang nasa harap namin siya. Nakasarado ang malaking pintuan ng kwarto namin at ngayon ay katabi ko si Emma dito sa may harapan.
"Crisella!" Nagulat si Crisella nag bigla siyang tawagin ni Pninuno.
"P-po?.." takot na sagot nito. Napaangat siya ng tingin.
"Ikaw ba ang may pasimuno nito?!" Tinignan siya ng masama ni Pinuno habang nakahalukipkip.
Muli siyang yumuko at pumikit, "P-patawad po, Pinunong Miranda.."
Palihim akong napairap sa kanya.
"At anong kasalanan sa inyo ni Elmia at pinagtulungan niyo siya?" Taas kilay na tanong pa ni Pinuno. Napatingin siya sa akin.
Hindi nakasagot sila Crisella.
"Ano? Walang magsasalita?!" Wala pa ring umimik dahilan para mas lalong magalit si Pinunong Miranda.
Napahilamos siya ng mukha.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo! Alam niyo bang pinapaluhod kayong lahat ni Pinsipe Rafael?!" Mas natahimik ang lahat. "Pinapaluhod niya kayong lahat sa loob ng bulwagan at hihingi kayo ng tawad ng paulit-ulit. Walang tatayo sa inyo hangga't walang sinasabi ang Kamahalan." Nagulat ang lahat. Nagsimula nang mag ingay dahil sa mga bulong bulungan nila."Manahimik kayo! Huwag kayong mag reklamo dahil kagagawan niyo rin iyan!" Natahimik ulit sila.
"Ihanda niyo ang inyong mga sarili at sumunod kayong lahat sa akin! Maliban sa inyong dalawa." Turo niya sa amin ni Emma, saka siya tumalikod at lumabas ng kwarto.
Pagkaalis niya ay parang naging palengke sa ingay ang buong kwarto.
"Paano na ito?"
"Kasalanan kasi ng Elmia na iyan, eh!"
"Anong gagawin natin?"
"Sabi ng aking ina ay dapat hindi madudumihan ang aking mga tuhod!"
Sinimaan nila ako ng tingin. Sa akin pa rin talaga ang sisi kahit sila ang may kagagawan.
Dumiretso na ako sa kama ko, at hindi na pinansin ang mga kaartehan nila.
"Hayaan mo na sila, Mia. Sila naman ang mapaparusahan sa ginawa nila." Sabi ni Emma. Nasa likuran ko na pala siya.
-----
Third Person's P.O.V
Kasunod ng Pinuno ng mga tagapagsilbi na si Pinunong Miranda ay ang labing tatlong tagapagsilbi ng palasyo. Lahat ng mga babaeng tagapagsilbi na iyon ay nakayuko at takot sa galit ng prinsipe.
Papunta sila sa harapan ng trono kung saan naghihintay si Prinsipe Rafael. Pinaluhod silang lahat doon maliban kay pinunong Miranda at sa dalawa nitong alalay.
![](https://img.wattpad.com/cover/217130371-288-k769035.jpg)
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasiSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...