CHAPTER 37: Anunsyo

411 24 0
                                    


Chapter 37
[Anunsyo]

Elmia's P.O.V

NGAYON na ang araw ng pag aanunsyo ng hari sa buong bayan ng Valeria tungkol sa kasal nila Rafael at Akira.

Nanatili akong nakatitig sa marmol na sahig habang naglalakad papunta sa silid ni Prinisipe Leon.

Kahit mukhang hindi na niya ako kailangan ay kailangang gawin ko pa rin ang trabaho ko bilang personal na tagapagsilbi niya.

Kumatok ako sa pintuan niya saka pinihit ang seradura para magbukas.

"Prinisipe Leon..." Pagtawag ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatingin na sa direksyon ko.

Napalunok pa ako bago lumapit sa kaniya saka marahang yumuko.

Pagka angat ko ng tingin sa kaniya ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niyang nakatingin na sa akin.

Nilingon niya ang pintuan. "Sinarado mo ba ng mabuti ang pinto?" Tanong niya. Binalingan niya ako. Napansin kong medyo matamlay siya ngayon..

Agad akong tumango. "O-opo..." Sagot ko.

Tiningnan niya ako ng matagal saka yumuko. Pinagpag niya ang tabi niya. "Maupo ka.." sambit niya na hindi pa rin nakatingin sa akin.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Naramdaman ko ang malambot na kama niya. Inilagay ko ang magkasalikop kong mga kamay sa kandungan ko. Napatingala ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"P-Pasensya na pala sa inasal ko nitong mga nakaraang araw.." nilingon niya ako at agad nagtama ang paningin namin. Ramdam ko ang sinseridad ng boses niya.

"Ayos lang po 'yon... wala naman akong magagawa kung marami ka lang talagang ginagawa, pasensya na din.."

Umiling siya. Mariing napapikit. "Kasalanan ko...kasalan ko. Dapat hindi nalang kita kinuha bilang tagapagsilbi ko."

"H-Ha?.." takhang sambit ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Prinisipe Leon, ano bang sinasabi mo..." mahinang usal ko. Naguguluhan.

Napahawak siya sa ulo niya saka siya umiling. "Wala.."

Kumunot ang noo ko at agad kinapa ang noo niya. "Medyo mainit ka.." kinakabahang sabi ko.

"K-Kumain ka na ba?" Napatayo ako. Umiling siya.

"Kung ganon, hintayin mo ako dito, kukuha lang ako ng pagkain mo."

Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla niyang hilahin ang kamay ko. Natigilan ako at lumingon sa kaniya.

Dahan dahan siyang tumayo at marahan akong hinila para mayakap. Nanlaki ang mata ko doon sa gulat. Napakurap kurap ako.

Mahigpit ang yakap niya sa akin samantalang hindi man lang ako makayakap sa kaniya.

"Salamat.." sambit niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa gulat sa ginawa niya.

Kahit na kinalas na niya ang pagkakayakap ay halos hindi pa rin ako makapagsalita. Hinawakan niya ang ulo ko saka siya napangiti.

Doon na ako natauhan. "Ah-- ano.. kukuha lang ako ng pagkain mo." Mabilis akong yumuko sa kaniya at tinakbo ang layo ng pintuan.

Nang makabalik ay kumain na agad siya ng dinala kong pagkain. Umalis din ako agad dahil kailangan ko na daw bumalik sa mga kasama ko dahil maraming kailangang ihanda ngayon dahil darating ang mga mamamayan ng Valeria mamayang gabi.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon