CHAPTER 8: First Day

1K 87 30
                                    

Chapter 8
[First Day]

Elmia's P.O.V

"SIGURO taga Porlatessa ka ano? Kahit hindi pa kami nakakarating sa bayan na iyon ay alam naming maunlad din ang bayang iyon katulad dito sa Valeria. Kaya hindi na ako nagtataka na ganyan sila manamit. Baka doon ka galing, Mia?"

Wala akong magets sa mga sinasabi niya pero tumango nalang ako.

"O-opo...baka nga po,"

Anong lugar ba kasing 'tong Valeria na 'to?

"Ina, nakita mo na... wala siyang matandaan." Malungkot na sabi ni Antonio sa nanay niya. Nakatingala ako sa kanila ngayon dahil ako lang ang nakaupo at nakatayo silang tatlo sa harapan ko.

"Hmm.." pagsang-ayon ng mag-asawa.

Nagpapalitan ang tingin ko kay Antonio at sa mga magulang nya.

"Kawawa naman po si ate Mia, ina. Wala na siyang mapupuntahan. Naabutan ko nga lang siya sa kakahuyan kanina natutulog."

Hindi ko alam na umeffect pala ang acting ko kay Antonio. Sabi ko na, eh, pwede na ako maging artista. Makasali nga sa PBB.

"Hindi niya rin po matandaan kung sino ang mga magulang niya at kung saan siya nakatira, ina." Nakangusong dugtong pa ni Antonio.

Tumango lang ulit ang mga magulang niya.

"Kaya po dito na siya sa atin makikitira!" Masayang sabi ni Antonio. Napapikit ako sa hiya.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang sagot ng mag asawa. Napadilat ako at nakita kong nakatingin na silang dalawa kay Antonio. Nakita kong nakahalukipkip na ang nanay niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Napalunok ako. Tingin palang sa mga reaksyon nila ay parang ayaw na nila. Ilang beses ko bang mararanasang makitira sa iba? Grabe, ang saya ng buhay ko.

Nakita kong hinila si Antonio ng nanay niya palayo sa akin. Alam kong kakausapin niya ito.

"Anak naman..sapat lang sa atin ang kinikita ng iyong ama sa pamilihan kaya hindi--" bago niya pagalitan si Antonio ay sumingit na ako. Kagaya ng ginawa ko noong una kay nanay Leticia.

"Ah..wag po kayo mag-alala, hindi po ako magiging pabigat sa inyo. At saka magtatrabaho din po ako para makatulong sa gastusin. Kung gusto niyo po ako na rin ang maglilinis ng bahay araw-araw, maghuhugas ng mga pinggan, mamalengke, at magluluto para sa inyo.." Nakangiting offer ko sa kanila.

Natigilan yung nanay ni Antonio samantalang ang kanyang ama naman ay napanganga nalang sa haba ng sinabi ko.

Nag-isip naman ako na kung ano pang pwede ioffer sa kanila para mapapayag sila.

May kulang pa ba sa offer ko? Ay yung milktea! Kaso wala naman atang milktea dito, baka nga kahit halo-halo wala din dito.

"Kung ayos lang po sa inyo.." pahabol ko.

Mabilis na napatango ang nanay ni Antonio. "O-oo naman! Payag na ako! Hindi ba, mahal?"

Sana all mahal.

Napatingin ako sa tatay ni Antonio at nginitian niya ako na ibig sabihin ay pumapayag na din siya.

Napatayo ako sa tuwa. Saglit munang inisip kung paano ako makakabalik doon sa portal.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon