Chapter 77
[Rafael's Game]Rafael's P.O.V
NAKANGITI si Akira habang naglalakad siya palapit sa akin. Nakasuot siya ng mahabang puting bestida na bagay na bagay sa kaniya. Sa totoo lang, hindi talaga siya mahirap mahalin, mabait siya at maganda.
Lahat naghanda at nag-ayos para sa araw na ito. Habang naglalakad siya palapit ay may tumutugtog na marahang musika sa paligid.
Malapit na..
Ang lahat ng mga konseho at iba pang opisyal ng palasyo ay nakaayos ng damit para sa araw na ito. Lahat sila ay pinapanood si Prinsesa Akira na marahang naglalakad sa gitna. Ang aking ama at si Haring Alfonso ay magkatabi sa gilid habang parehong nakangiti rin sa galak. Si Esmeralda at si Reyna Mira ay magkatabi rin habang nakatanaw sa papalapit sa aking Prinsesa.
Maging ang mga tagapagsilbi ay maayos na nakihelera sa gilid. Si Pinunong Ariel ay diretsong nakatayo malapit sa gilid ko. Si Pinunong Miranda naman ay malapit sa kaniyang mga tagapagsilbi na katabi ni Binibining Farrah.
Ang mga hukom naman ay naghihintay sa Altar. Si Sellestina naman ay nasa harap din kasama ang nagbabantay sa kaniyang tagapagsilbi.
Nang malapit na si Akira sa akin ay agad akong tumabi sa kaniya. Inangat ko ang aking braso upang doon siya humawak. Nagkatinginan kami.
"Napakaganda mo ngayon," nakangiting bulong ko.
"Kinakabahan ako.." Sabi niya pero nakangiti pa rin.
"Huwag kang mag alala, narito ako."
Tumango nalang siya at bumuntonghininga.
Pero natigilan ang lahat ng may biglang nagbukas ng mataas na pintuan ng punong bulwagan. Diretso lang ang tingin ko sa harap habang tila gulat ang lahat sa aming likuran. Naramdaman ko naman na humigpit ang hawak sa akin ni Akira.
"Protektahan ang Hari!" Rinig kong sigaw ni Harem.
Narinig ko rin na ang ilang sigawan ng mga tagapagsilbi. Nakita ko ring agad nagbago ang ekspresyon ng mga kawal rito sa loob at dali daling binantayan ang hari. May mga kawal na din ng Porlatessa ang gumwardya sa kanilang Hari at Reyna.
Nanatili pa rin kaming nakaharap sa altar ni Akira.
"Maligayang kasal!" Rinig kong sabi ng isang inaasahang bisita.
Hinawakan ko ang kamay ni Akira saka namin hinarap ang kung sinong nanggulo sa magaganap sanang kasalan ngayon.
Nakangisi siya ng malaki. Nakita kong katabi niya si Eros. Sa likod nila ang kanilang mga maraming kawal.
Dahan-dahang umabante si Zephir. "Tulad ng dati ay hindi niyo pa rin kami iniimbita sa mga ganito kasasayang pagtitipon, nakakalungkot naman."
Napatingin ako sa ibang kawal ko na nakahandusay na sa sahig. Napatiim bagang ako saka ko hinugot ang aking espada.
Bahagya kong nilagay sa aking likod si Akira.
"Hindi na ako nag abalang mag imbita dahil alam kong pupunta ka." Saka ako ngumisi.
Palihim kong tiningnan si Harem saka ito tinanunguan, isang senyales na alam kong nakuha niya.
Oo hindi ito isang simpleng kasal lang sapagkat ito ay isang patibong...
____
Planado. Planado ko itong lahat. Simula noong naganap sa aking kaarawan.
"Ipagamot niyo at ihatid sa kaniya kaniyang tahanan ang mga taong nasugatan at nadamay sa gulong nangyari kanina. Lahat ng namatay ay bigyan ng magandang libing at bigyan ng mga kayamanan ang kanilang mga naiwang pamilya, ganoon na din sa mga kawal na nalagas." Walang ekspresyon kong utos habang nililibot sa aking mga kawal ang aking paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/217130371-288-k769035.jpg)
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...