CHAPTER 45: Good Night

468 29 0
                                    

Chapter 45
[Good Night]

Elmia's P.O.V

"BINIBINI! Tara uminom!" Napalingon ako sa tatlong lalaking umiinom sa gilid ng barko. Nakataas ang mga baso nila habang tinatawag ako. Nasa isang malaking lamesa silang gawa sa kahoy.

Kanina pa sila umiinom at ngayong gabi na ay hindi pa rin sila tumitigil at mukhang kayang kaya pa nila. Lumapit ako sa kanila. Pupunta sana ako sa pinakadulong parte ng barko para magpahangin pero dahil tinawag naman nila ako ay pumunta nalang ako doon.

Silang tatlong lalaki ay nakaupo sa mahabang upuan sa tapat ng mesa. Ang katapat na upuan ay bakante pa.

Uupo sana ako roon pero naunahan ako ni Rafael. Napatingin ako sa kaniya at napakunot noo. Tiningnan niya rin ako.

"Hindi ka ba mauupo?" Tanong niya sa akin at nilahad ang katabi niyang espasyo. Umupo ako doon ng medyo malayo sa kanya.

"Oh? Bakit nagkakailangan ata kayo?" Tanong nung kalbo. Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi ba't magkasintahan kayo?" Tanong naman ng isang mapayat na lalaki na katabi niya.

Umiling ako. "Hindi.." pagtanggi ko.

"Sus....huwag niyo nang itago!" Tumawa naman ang isa pa.

"Hindi talaga--"

"Oh, eto baso. Isa lang ‘yan. Diyan na kayo uminom pareho." Tumatawa tawang sabi ng kalbo habang pabagsak na iniligay sa harap namin ang isang malaking baso. Nilagyan nila ito at pinuno pa. Nagkatinginan kami ni Rafael pero una akong nag iwas ng tingin.

"Kung kulang pa ‘yan..." Tinuro niya sa isang sulok ang limang barrel na magkakatabi. "Lahat ng nakikita niyong lalagyan na iyon ay puro alak! Hindi tayo mauubusan! Kaya ubusin niyo ‘yan." Dagdag pa niya.

"Ah, hindi ako iinom." Sabi ko. Nilingon nila akong tatlo.

"Bakit naman? Hahayaan mo lang ang kasintahan mong uminom mag isa?" Tumawa pa sila.

"Hindi ko nga siya kasintahan--tsaka Isa pa, nung huli kasi akong uminom ng alak may lason pa at muntik pa akong mamatay kaya..."

Natigilan sila. Nilingon ako ni Rafael.

"Nako! Walang lason ang mga iyan! Madalas kaming uminom dito kaya hindi uso ang lason! Tsaka walang magbabalak manglason dito dahil pareparehong uhaw sa alak!" Saka sila tumawa ng malakas. Nag apir pa sa isa't isa. Pilit din akong tumawa.

"Uminom ka na, binibini!" Sabi pa nila..

"S-Sige na nga..." Sabi ko at uminom sa baso. Sa una ay matamis pero agad ding gumuhit sa lalamunan ko ang pait nito. Binaba ko ang basong halos hindi ko man lang nakalahati dahil sa konti ng ininom ko.

Pagkababa ko ng baso ay agad namang kinuha ‘yon ni Rafael. Napatingin ako sa kaniya at pinagmasdan kung pano niya tunggain at ubusin ang laman na alak. Pabagsak niyang binaba ang baso. Gamit ang likod ng kamay ay pinunasan niya pa ang kaniyang labi. Napalunok ako.

Nakita ko ang gulat at tuwa ng mga lalaki sa ginawa ni Rafael.

Napatingin sila sa akin. "Ayos!" Saka na naman sila tumawa. Binalingan ko ang basong wala nang laman sa harap ko. Naramdaman ko ang titig sa akin ni Rafael.

"Ano nga palang pangalan mo, Binibini? Etong kasintahan mo ay kilala na namin dahil Prinsipe iyan malamang. Maugong din ang pangalan niya sa ibang bayan. Pero ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong nung payat na lalaki.

"Elmia.." ngumiti ako.

Tumango tango silang tatlo. "Kinagagalak ka naming makilala, Elmia! Siya nga pala. Ako si Asoca, pero pwede mo akong tawaging aso nalang." Agad akong natawa sa sinabi ng malaking katawan na kalbo na lalaki. Halos napapikit pa ako sa tawa.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon