CHAPTER 34: Confirmation

477 29 2
                                    

Chapter 34
[Confirmation]


Elmia's P.O.V

PUMUNTA kami ni Leon kila Mang Leandro at kinamusta silang mag asawa. Malamang ay nagulat sila dahil nasa labas ako ng palasyo lalo pa at kasama ko ang isang Prinsipe.

Halos hindi sila makapagsalita at nakatitig lang kay Leon. Natawa ako.

Nakatago pa rin ang mukha ni Leon sa hood ng cloak niya pero bahagya niya itong inalis kanina nung nasa harap na kami nila Mang Leandro.

"A-Ano pong m-maipag...lilingkod na-namin sa inyo, k-kamahalan?" Kabadong tanong ni Mang Leandro habang nakayuko.

Nakangiting bumaling sa akin si Leon, mahina akong natawa.

"Ah, Wala po, Mang Leandro... bibisitahin lang po namin kayo ni Mia." Sagot ni Leon na agad nag paangat ng tingin kay Mang Leandro.

"Ki-kilala niyo po ako, Kamahalan?" Turo sa sarili ni Mang Leandro.

"Sinabi ni Mia ang pangalan niyo," nakangiting sambit ni Leon.

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Mang Leandro.

Nagtagal pa kami doon ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahang umalis.

"Ang saya pala kasama nila Mang Leandro at Aling Rosa, ano?" Nakangiting aniya ng papasok na kami sa palasyo.

"Sinabi mo pa!" Sabi ko rin na biglang hininaan ang boses dahil baka magtaka sila dahil ganito ang pakikitungo kay Leon.

Nang pumasok na siya sa kwarto niya ay pumunta na rin ako sa silid kainan.

Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng natanaw kong naglalakad si Rafael sa direksyon ko. Mukhang magsasalubong pa kami. Napalunok ako at napayuko nalang.

Dahan dahan akong naglakad ng nakayuko pero agad ding tumigil ng may sapatos na huminto sa harap ko. Mariin akong napapikit. Alam kong sinadya niyang huminto.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya. Ang dalawang kamay ay nasa likod. Muli akong yumuko at gumilid para sana dumaan pero humakbang din siya sa direksyon na iyon para maharangan niya ulit ako. Pumunta ako sa kabilang gilid pero mukhang nananadya na harangin ulit ang sarili sa daan.

Sa pagkakataong ito ay kumunot na ang noo ko. Balak niya bang maglaro ng patintero?

"Mauna na po kayong dumaan, kamahalan." Pigil na sabi ko. Unti unting tumaas ang gilid ng labi niya.

"Masaya bang lumabas kasama ng Prinisipe?" Biglang tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ako nakasagot.

"Sabagay dati mo na pala 'yan ginagawa."

Nag iwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "Ano pong gusto niyong sabihin, Mahal na Prinsipe?" Pinagdiinan ang huling salita.

"Siguro'y sobrang saya na ng aking kapatid ngayon dahil magagawa na niya ang mga gusto niyang gawin sayo dahil hindi na kita hawak."

Mabilis ko siyang nilingon. Hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"Sinabi mo sa akin na kailangan kitang galangin pero sa pagkakataong ito ay mukhang hindi ko magagawa." Lumapit ako sa kaniya at lumingon sa paligid at ng makitang walang tao ay muli akong humarap sa kaniya.

"Ano bang pakielam mo?! Ha?..ano pang pakielam mo sa buhay ko, eh, ikaw na nga ang may sabing hindi mo na ako hawak? Atsaka anong pakielam mo kung lumabas kami ni Leon? May karapatan siya sa akin dahil simula nung ialis mo ako sa pagiging tagapagsilbi mo ay kinuha niya ako! Kaya tama ka! Magagawa na niya ang lahat ng gusto niya sa akin! Ano, masaya ka na?" Galit na sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya na agad ding napalitan ng galit. Kumuyom ang mga kamao niya.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon