Chapter 74
[Ang Pagsuko]Elmia's P.O.V
ALAM ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan pero bakit ganito pa rin ang kaba ko.
Nakahilera kaming mga tagapagsilbi at sa harap namin ang mga tagaluto dito sa malaking kusina. Nakayuko kaming lahat habang galit na nagsasalita sa harap naming lahat si Pinunong Miranda. Ilang oras matapos ang naganap kanina. Kasalukuyan ng ginagamot si Reyna Esmeralda at pinapaimbestigahan na rin ang nangyari.
Mariin lang ang titig ko sa sahig.
"Kara! Sinigurado niyo bang malinis lahat ang mga sangkap na sinama niyo sa mga hinanda kanina?!"
Halos mamutla doon si ate Kara at ang iba pang tagaluto.
"O-Opo, Pinuno! Sinigurado po naming lahat na malinis at mga sariwa iyon."
Pabalik balik ang lakad ni Pinunong Miranda sa harap namin. "Hindi na talaga ito maganda.. dumadalas ang mga ganitong pangyayari dito ngayon sa palasyo.."
Huminto siya at tumingin sa aming lahat. "Pinaghihinalaan na ng mga opisyal ngayon na may lason na nakahalo sa pagkain ng Reyna at kasalukuyan nila iyong sinusuri doon. At lahat ng mga tagaluto at lahat ng nandito sa kusina kanina ang pwedeng paghinalaan."
"Ngunit, Pinuno! Pare-pareho lang naman ang inihandang pagkain na inihanda kanina. Kung may lason ang kinain ng Mahal na Reyna ay dapat malason na rin ang ibang kumain nito." Wika ng isang tagaluto.
Muli siyang lumingon sa amin. "Sino ang tagapagsilbi na nagbigay kanina sa kaniya ng pagkain?"
Natahimik ang lahat.
"Si Pilar po! Nakita ko si Pilar kanina, siya ang nagbigay ng pagkain ng Reyna!" May isa sa mga kasamahan ko ang nagtulak kay Pilar paharap. Napalingon kaming lahat sa kaniya.
Nanlalaki ang mga mata ni Pilar at halos mamutla na sa kaba.
"O-Oo! Ako nga ang nagbigay ng pagkain sa Reyna! N-Ngunit sapat na ba iyon para pagbintangan niyo ako na naglagay ng lason sa kaniyang pagkain?" Nanginig ang boses niya at mabilis na nangilid ang mga luha. Naikuyom ko ang aking mga kamao.
Lumapit sa kaniya si Pinuno. "Pilar--"
Naputol lang iyon ng may tatlong kawal na pumasok. Nagbigay galang sila kay Pinunong Miranda bago nagsalita.
"Pinunong Miranda, ipinapatawag ng Mahal na Hari sa punong bulwagan ang lahat ng maharlikang tagaluto at lahat ng mga tagapagsilbi na nag asikaso ng mga inihandang pagkain kanina."
Napalingon roon si Pinuno. Nilingon ko si Pilar at nakitang mas kita roon ang kaba at takot.
"Sige, susunod na kami," marahang sagot ng aming Pinuno. Tumango naman ang mga kawal at umalis na. Pagkaalis nila ay saka kami hinarap ni Pinuno.
"Pilar, tumahan ka na. Huwag ka nang matakot kung wala ka talagang kasalanan, nandito ako. Atsaka kayo.. huwag kayong mag alala, kung wala talaga sa inyo ang may gawa ng paglason, kung iyon nga talaga.. ipaglalaban ko kayo sa abot ng aking makakaya.."
Nabawasan ang kaba sa tinuran ni Pinunong Miranda. Kumalma ang puso ko dahil doon. Tama wala akong kasalanan kaya bakit ako kakabahan?
Sunod sunod kaming tumango sa kaniya.
"Tayo na," saka siya naunang naglakad palabas ng kusina na sinundan ng mga tagaluto saka kami. Nilingon ko sa dulo si Pilar dahil mukhang natulala pa ito sa nangyayari. Siguro natatakot din siyang mapagkasalanan sa nangyayari.
Nagpaiwan ako at nilapitan siya. "Pilar.."
"Hindi talaga ako, Mia.." natigilan ako sa tono ng boses niya, bigla kong naalala sa sinabi niya si Agatha at ang pagbibintang din sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasíaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...