Chapter 78
[Ang Huling Digmaan]Elmia's P.O.V
"NGAYON, malaya ka na."
Sa mga salitang iyon ni Prinsipe Eros ay hindi na mapigilan ng mga mata kong mag init dahil sa pangingilid ng aking mga luha.
Pumasok na siya at lumapit sa akin. Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko.
"Pinapasundo ka na sa akin ni Rafael," aniya.
Natigilan ako. Naguluhan. Doon lang ulit bumalik sa akin ang lahat. Bakit nagkagulo? Bakit may narinig akong pagsabog sa itaas? Bakit bigla nalang siyang sumugod dito? Hindi ba't araw ngayon ng kasal nina Rafael at Prinsesa Akira? Napakarami kong tanong at napakaraming gumugulo sa utak ko ngayon pero isang tanong lang ang lumabas sa bibig ko.
"Bakit?"
"Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa'yo ang lahat, sa ngayon tara na--" hihilahin na sana niya ako palabas ng hinila ko ang kamay ko pabalik. Nilingon ko si Aling Serenida na kanina pa kami pinapanood.
"T-Teka, si Aling Serenida.. kailangan natin siyang ilabas din dito." Kung may sakit nga siya sa pag iisip, hindi naman siguro tamang nandito lang siya. Dapat sa kanila tinutulungan at ginagamot, hindi kinukulong. Sabi rin niya sa akin na tinulungan lang naman niyang tumakas ang anak niyang pinagkasalanan. Kaya dapat lang din na hindi siya nakakulong dito.
Agad na tumango si Eros at tila may naalala. "Saglit, oo nga pala," may hinugot siyang susi sa kaniyang bulsa saka lumapit sa matanda. Lumapit na rin ako. Doon ko napanood ang pagtanggal ng mga tanikala sa kamay at paa ni Aling Serenida.
"S-Salamat.." nanghihinang sabi nito kay Eros. Bahagyang yumuko at ngumiti sa kaniya ang Prinsipe saka ito tinulungan makatayo. Marahil ay sa napakatagal na panahon niyang nakakulong dito ay nanghina na lalo ang kaniyang pangangatasan. Nilagay ni Eros ang braso ng matanda sa balikat niya. Tumulong na rin ako at inalalayan naman sa kabilang balikat si Aling Serenida.
"Tara na," usal ni Eros saka kami sabay sabay na lumabas doon. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba habang nadadaanan ko ang mga walang malay na kawal sa lugar na iyon. Lumalakas pa lalo ang kutob kong may kakaibang nangyari.
Kaya hindi ko na nakayanan, nagtanong na ako. "Prinsipe Eros, ano ba talagang nangyayari dito?"
Bumuntonghininga siya habang umaakyat kami pataas. "Sumugod ngayon sina Ama, kaya paniguradong may digmaan ng nangyayari sa labas ng toreng ito ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?! Teka! Si Rafael!"
Nilingon niya ako at binigyan ng ngiti. "Huwag kang mag-alala, Mia, planado ni Rafael ang lahat, at sa tingin ko... Simula na ito ng pagbabago ng Valeria."
Hindi ako nakapagsalita.
"K-Kamusta ang aking apo?" Mabilis akong napatingin sa nagsalitang si Aling Serenida na nasa gitna namin.
Kumunot ang noo ko. "Sino pong apo?"
Nilingon niya naman ako. "Hindi pa nga pala ako nagpakilala sa'yo ng lubusan, Mia. Ako nga pala si Serenida. Ang dating pinakamataas at punong Hukom ng Valeria. Hindi man kadugo ngunit ang aking anak ay si Liranea, ang dating Reyna na pinagtrayduran ng kaniyang mga pinagkatiwalaang tao."
Halos matigilan ako sa paglalakad ng marinig iyon. I-Ina ni Reyna Liranea..
Kung hindi lang ako tinawag ni Eros ay baka tuluyan na akong natulala. Hindi na ako nakapagsalita pa. Nakangiti lang si Aling Serenida na tila normal na normal lang at walang mababakas na sakit sa pag iisip.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantastikSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...