CHAPTER 43: Mga Pirata

428 28 1
                                    

Chapter 43
[Mga Pirata]

Third Person's P.O.V

DALAWANG araw na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ni Leon si Mia.

"Emma, anong balita? Nahanap na ba nung inutusang kawal ni Pinunong Miranda si Mia?" Umaasang tanong niya kay Emma.

Umiling si Emma at malungkot na tiningnan ang Prinsipe. "Wala pa rin po, Kamahalan."

Mabigat na napabuntong hininga si Leon.

Samantala, kadarating lamang ni Rafael galing sa ilang sitio ng Valeria. Halos nalibot at nahalughog na niya na ang buong bayan sa dalawang araw pero wala pa rin si Mia.

Inis siyang dumiretso sa kaniyang silid. Uminom siya ng tubig at nahagip ng paningin ang kamaong nakabalot ng manipis na puting tela na ngayon dahil sa mga sugat nito.

Akala ng lahat ay wala siyang pakielam sa babaeng iyon pero walang nakakaalam kung gaano siya natatakot at nag-aalala ngayon para kay Mia. Bago siya makarating sa palasyo kanina ay nakasalubong niya pa si Antonio at tinanong kung nakita na ba nito si Mia pero wala rin ang sagot ng bata.

Pabalik balik ang lakad niya sa loob ng kaniyang silid at nag iisip kung saan maaring pumunta si Mia. Pero natigilan lang siya sa pag iisip ng may biglang kumatok.

Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Doon tumambad si Harem, ang Punong kawal ng Valeria.

"Anong kailangan mo?" Inis na tanong ni Rafael.

Yumuko si Harem bilang paggalang. "Gusto niya daw po kayong makausap, Kamahalan.." agad na sambit nito.

"Sino?" Kunot noong tanong ni Rafael. Nag angat ng paningin si Harem.

"Si kuya po, Kamahalan." Sagot nito.

Napatitig sa kaniya si Rafael. "Saan?" Mahinang tanong niya.

"Sa kakahuyan po, sa likuran." Ani Harem.

Tumango si Rafael at agad lumabas at nilagpasan si Harem.

Isinara naman ni Harem ang naiwang nakabukas na pinto ng silid ni Rafael saka ito sumunod sa kaniya.

Mabilis na pinatakbo ni Rafael ang kabayo at agad nakarating sa nasabing kakahuyan. Bumaba siya ng kabayo at agad na hinanap ang taong nagpatawag sa kaniya.

"Mahal na Prinsipe.."

Agad na napalingon si Rafael sa likuran niya. Naibaba niya ang espada at nilagay itong muli sa lalagyan.

"Anong sasabihin mo, Emir?" Tanong niya.

"Hindi ko alam kung mahalaga ba itong balita para sa inyo pero sasabihin ko na din dahil taga Valeria naman siya--"

"Diretsuhin mo na." Iritadong putol ni Rafael.

"May babaeng napunta sa amin at naging bihag dahil pinagkamalan itong espiya. Ang kasuotan niya ay kamukha ng mga kasuotan ng mga tagapagsilbi dito sa Valeria." Saad nito.

Agad na napaangat ang tingin ni Rafael at nakuha agad ang atensyon niya simula palang ng unang sinabi ni Emir.

Kilala na niya agad kung sino ang babae. At malakas ang kutob niyang si Mia ito.

"Ano?! Anong ginawa niyo sa kaniya?"  Matalim niyang tiningnan si Emir.

"Kilala mo ba ang babaeng tagapagsilbi na iyon--"

"Anong ginawa niyo sa kaniya?!" Mas lalong galit na usal niya na nakapagpatigil kay Emir.

"Dapat sana'y paparusahan siya ni Haring Zephir pero kinuha siya ni Prinsipe Eros at sinama niya ito sa kaniyang silid." Nakayukong sambit niya.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon