Chapter 55
[Utos ng Hari]Elmia's P.O.V
"SA katapusan ng buwan, muling magpupunta rito ang mga taga Porlatessa. Mag uusap sila ni ama," Sabi ni Rafael isang linggo ang lumipas.
Binalita niya ito ng umaga bago ako ako umalis sa kwarto niya. Hindi na ako nakapagtanong pa kung anong meron..tungkol ba ito sa kasal nila ni Prinsesa Akira?
Hindi ko na natanong dahil mukhang nagmamadali siya.
"So anong chika?" Bulong ni Agatha habang naglalakad kami sa malaking hallway. Nautusan kaming tatlo na kunin ang mga ibang kagamitan tulad ng mga plato at iba pa para sa paghahanda sa mga parating na bisita. Ang ibang kasama namin ay nauna na.
"Darating daw sa isang araw ang Prinsesa.." si Emma ang sumagot. Mukhang nasanay na talaga sa mga salita namin ni Agatha.
Nasa gitna nila ako kaya ang mga ulo nila ay nakasilip sa akin na tila hinihintay ang reaksyon ko.
"Ah, Kaya pala.." Sabi ni Agatha. Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin, nakanguso.
"Anong kaya pala?" Tanong ko.
"Kaya pala nakasimangot ka d'yan,"
Muling sinilip ni Emma ang mukha ko. "Ay, oo nga 'no.."
"Balita ko...ipapakasal daw 'yon sa jowa mo? Totoo ba?" Sabi niya na may halong pang aasar. Napairap nalang ako.
"Manahimik na kayo," saway ko.
"Gusto mo sa araw ng kasal nila, itakas namin si Prinsipe Rafael tapos ibigay namin sa'yo?" Sabi ni Emma.
"Ay, bet!" Pag sang ayon naman ni Agatha.
Napabuntong hininga nalang ako ng maghagikgikan sila. Pero agad din yung natigil nang may makabangga si Agatha.
"Arawch!" Sinamaan niya ng tingin ang kasamang babae ni Crisella (na kaibigan niya ata) habang nakahawak siya sa balikat niya. Sinamaan iyon ng tingin ni Agatha.
Alam ko namang makakasalubong namin sila. Pero napakalawak ng pasilyo para magkabungguan kami!
Bale, tatlo din sila. Nakangisi si Crisella habang matalim na nakatitig sa amin yung dalawa. Inirapan ko nalang sila.
"Mukhang naghahanap ng away 'tong tatlong abnormal na ito," bulong sa amin ni Agatha, inaangat niya pa ang sleeve ng damit niya na mukhang naghahanda na makipag away talaga.
Hinila ko ang braso niya. "Hayaan mo na," Sabi ko pero nakita ko na si Emma na umabante paharap kila Crisella.
Anak ng...
"Hoy, nagpapapansin na naman kayo sa'min?" Mataray na tanong ni Emma.
"Gusto ata nito bardagulan, eh." Bulong ulit sa akin ni Agatha, tinutukoy si Emma. Umatras na si Agatha at tumabi sa akin dahil sa harap na namin si Emma.
"Hindi kayo tumitingin sa dinadaanan niyo, eh.." maarteng sabi ng isang babae na hindi ko alam ang pangalan dahil wala akong pake.
Doon na sumugod si Agatha.
"Hoy kupal, tanga ka ba? Unang una, ang lawaaak lawak ng pasilyong 'to para hindi namin kayo makita, pangalawa, kayo ang dumidikit sa amin dahil gusto niyong makasagap ng balita sa mga pinag uusapan namin, sinadya niyo kaming banggain!"
Napatampal nalang ako sa noo at lumapit sa kanila. Binulungan ko sila. "Hayaan niyo na nga..may topak kayo kung papatulan niyo rin yang mga topak na 'yan. Tsaka may inuutos pa sa atin, ano ba.." Pero mukhang wala silang naririnig dahil nagpamaywang pa sila. Ang grupo naman nila Crisella ay taas noo ring nilabanan ang titig ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...