CHAPTER 61: MiThaMa

341 21 2
                                    

Chapter 61
[MiThaMa]

Elmia's P.O.V

"OMYGOSH! May sweldo na ko!" Tili ni Agatha ng matanggap namin ang mga gintong sweldo namin ng buong buwan na 'to. Natawa kaming dalawa ni Emma doon. "Ganito pala ang itsura ng totoong gold," kumuha siya ng isa at kinagat kagat iyon. Pagkatapos no'n ay hinila niya ako at binulungan. "Magiging instant millionaire tayo, Mia kapag nakabalik na tayo doon sa portal." Humagikgik siya habang binubulong iyon.

"Ano 'yon?" Singit ni Emma na pumagitna pa sa amin.

"Wala, Marites." Ani Agatha. Napahalakhak ako sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ni Emma. "Sino si Marites?"

Tinuro siya ni Agatha. "Ikaw, chismosa ka eh," 

Mukhang naguguluhan pa rin doon si Emma base sa itsura neto. "Nako, wag mo nang intindihin, tara na." Hinila ko na ang braso niya.

"Hoy, teka.." habol ni Agatha na naiwan sa likod.  "MiThaMa tayo huwag kayong nang iiwan!"

Kumunot ang noo ko. Napatigil kaming dalawa ni Emma sa paglalakad. Nagkatinginan kami saka namin nilingon si Agatha.

"Anong MiThaMa?" Tanong ni Emma. Nakahabol na rin si Agatha at sinukbit na ang braso sa braso, bale pinagigitnaan nila ako ngayon.

"Panget niyo kabonding, ang slow niyo. MiThama, Mia..Agatha..Emma. MiThama sa isip, MiThama sa ulo, MiThama sa utak." Saka siya humalakhak na parang baliw.

"Sayo lang yata bagay ang salitang MiThama. Kasi ikaw lang ang me' tama," sinimangutan ko siya.

Pinanlakihan niya 'ko ng mata."Hoy, Elmia Marie--"

"Hoy, Agatha Jane, 'wag mong banggitin ang buong pangalan ko." Agap ko.

"Nakakahiya sa'yo ah," sarkastikong sabi niya. Hinawi niya ang buhok niya at taas noo akong tiningnan, ganoon din ang ginawa ko.

"H-Hoy.. teka.. nag aaway ba kayo?" Nilingon namin si Emma na mukhang natakot.

Nagkatinginan kami ni Agatha at sabay na natawa. "Charot charot lang namin 'to, Ems, ikaw naman, masyadong seryoso sa life." Saka niya kami tuluyang hinatak papunta sa aming silid para mag ayos na ng nga gamit.

Pinuntahan pa kami ni Pinunong Miranda sa silid para muling magpaalam sa amin.

Matapos no'n ay sabay sabay na kaming lumabas. Sabay sabay na pag uusap ng ilang mga kasama namin ang rinig sa pasilyong nilalakaran namin.

"Siya nga pala, Agatha.. saan ka na ngayon?" Tanong ni Emma habang naglalakad kami.

Napanguso si Agatha. "Uhm.. kasi.. wala pa talaga.." nilingon niya ako.

"Gusto mo bang sa amin na lang? Sige, papakiusapan ko--"

"Nako, Mia, huwag na.. Hindi ba't nakikitira ka lang din doon. Ayoko nang dumagdag pa tsaka ang dami mo na ring naitulong sa akin." Sabi niya.

Saglit akong natahimik.

"S-Sige.. pero paano ka?" Tanong ko. Tiningnan niya ako saka niya dahan dahang nilingon si Emma.

"Emma.. baka naman.." Nagpacute pa siya.

"Oo naman! Sige! Sa amin ka na tumuloy," ngumiti si Emma. Napangiti na rin ako. Hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng mga ganitong kaibigan sa sitwasyong ito.

Napatili sa saya si Agatha. Nagtinginan sa amin ang ilang kasabayan naming maglakad pero hindi na niya lang pinansin. Ako pa ang nahiya kaya napayuko nalang ako.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon