Chapter 6
[Welcome to Valeria]Elmia's P.O.V
SINO ba 'to? Ididilat ko na ba yung mga mata ko?
Pero paano kung yung lalaking masama ang ugali na naman 'to? Nasundan niya ba ako?
Pero... kung siya nga 'to.. magpapatulong na lang ako sa kanya. Pero.. baka yung humahabol sa amin kanina ang nasa harap ko ngayon diba?
Kaya napagdesiyunan ko nalang na magtulog-tulugan. Para mas maganda ang acting, nagkunwari pa akong humihilik habang natutulog para di nalang ako pansinin ng kung sino mang tao 'to. Hanggang sa naramdaman ko na talagang may taong nakatayo sa harap ko.
Paano kung makiusap nalang ako sa taong 'to na bago lang ako sa lugar na ito? Kaya lang...baka magtanong pa 'yun kung saan ako galing.
Ang complicated naman kasi ng sitwasyon ko ngayon! Paano kung---
Natigil ako sa pag-iisip ng may mahinang tumampal sa pisngi ko. Mahina lang naman. Hindi masakit...
Hindi pa din ako nagmulat kaya sinampal ulit ako ng mahina. At yung pangatlong sampal sa akin ay medyo malakas na! Tama na!
Bago pa ako masampal ulit ay idinilat ko na ang mata ko, at babawian ko din sana ng sampal ang sumampal sa akin kanina pero...
Tumambad sa harap ko ang isang lalaki.
Batang lalaki.
Nakangiti ito sa harap ko.
"Akala ko patay ka na, ate. Pasensya na kung tinapik ko ang pisngi mo." Maamong sabi nya.
Tapik daw...eh, parang sampal na nga yung pangatlo.
"S-Sino ka?" Kabadong tanong ko. Baka kasi kasama siya nung lalaki kanina.
"Ako po si Antonio!" Masiglang sabi niya. May hawak siyang mga bungang kahoy.
Napatango ako. "Antonio, nasaan ba ako? Anong lugar ba 'to?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero sumagot din.
Nilibot niya ang paningin sa buong lugar. "Nasa kagubatan po tayo ng Eisera ngayon na sakop ng Kaharian ng Valeria.."
Saglit akong natigilan. "H-Huh?"
"Ate, bingi ka ba? Sabi ko nasa kagubatan tayo ng Eisera na sakop ng Valeria," kunot noong aniya. Nainis ko pa ata.
"Ang Eisera po ay ang pinakadulong parte ng Valeria. Kung saan kalapit na ang bayan ng Racon. " Dugtong niya pa.
"A-Ahh.." napatango tango nalang ako kahit wala akong alam. Kunyari nagets ko nalang para hindi na siya magtakha pa.
"Ikaw ate? Sino ka? At..." tiningnan niya ang suot ko, "at..saang kaharian ka galing at parang di mo alam ang Valeria?"
"Ako si Elmia Marie Vasquez." Iyan nalang ang sinabi ko dahil 'di ko alam ang isasagot sa pangalawang tanong niya.
Ngumiti siya ng namamangha habang tumatango-tango.
"Ang haba naman po ng pangalan niyo..." Aniya habang nakanguso at napakamot sa batok.
Kumunot ang noo ko. Hindi ba uso sa kanila ang salitang apelyido? Saang lupalop ba ako napunta?
Nanatili pa din akong nakaupo sa malaking ugat ng puno.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Inilapag niya sa damuhan ang mga bungang kahoy na dala niya saka hinarap ako.
"Ate Elmia Marie Vasquez taga saan ka po?" Marahang tanong niya. Natawa ako. Mukhang hindi nga niya alam ang apelyido.
"Mia, nalang." Sabi ko. Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasiaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...