CHAPTER 44: Who's your boyfriend

490 25 0
                                    

Chapter 44
[Who's your boyfriend]

Elmia's P.O.V

"A-ANONG gagawin natin?!" Kinabahang sabi ko sa kanilang tatlo.

Kinuha ni Rafael ang kamay ko at hinila sa likuran niya. "Dito ka.." napatitig ako sa likuran niya.

Napaatras ako ng bigla nilang ilabas ang mga espada nila ng sabay.

"Pa-papaano kung b-bilisan na lang ang barko?" Suhestyon ko sa kanilang tatlo na nasa harap ko at mukhang handa nang makipaglaban.

"Malapit na sila," sagot ni Rafael. Napalunok ako at nilibot ang paningin kung sakaling may mahanap akong pangdepensa din sa sarili.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang kawal na nakabulagta sa sahig hindi malayo sa pwesto namin. Nakita ko ang hawak niyang espada. Muli akong napalunok bago tinakbo ang distansya namin ng kawal.

Napakagat ako sa labi bago lumapit. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang espada.

Pinagmasdan ko ang matalim na espadang hawak. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kaba.

Tumakbo na ulit ako papunta sa likuran ni Rafael saka sinilip ang papalapit na nga na barko.

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa espada. Napasulyap sa akin si Prinsipe Eros at napatingin din siya sa hawak ko. "Kaya mo?" Tanong niya dahilan para maglingunan din sa akin sina Rafael at Prinsipe Leon.

"Mia--" si Prinsipe Leon pero pinutol ni Rafael.

"Nariyan na sila, magsihanda kayo."

Nilingon niya ako. "Huwag kang lalayo sa'kin." Sambit niya. Mabilis na uminit doon ang pisngi ko lalo pa at pinagtinginan kami nina Prinsipe Leon at Prinsipe Eros.

Tumango nalang ako. Tumikhim si Prinsipe Eros kaya napasulyap ako sa kaniya. Palihim siyang napangisi. Napapilig ko nalang ang ulo ko at tumabi kay Rafael.

Naguunahan sa bilis ang tibok ng puso ko ng makitang katapat na namin ang barkong iyon. Napaatras ako ng makitang may taling inihagis dito sa barkong sinasakyan namin at ang bakal na nasa dulo non ay kumawit sa hamba ng barko namin. Nanlaki ang mata ko nang mas kumaonti ang agwat ng barko namin sa kanila.

Mas lalo akong pinalikod ni Rafael ng may ginawang tulay ang mga lalaking iyon na gawa sa kahoy para makapunta sa barko namin.

Nanginginig at nangangawit na ang mga kamay kong hawak ang espada.

Pagkatalon ng kalbong malaki ang katawan sa barko namin ay sumunod pa ang dalawang hindi masyadong malaki ang katawan. Nakangisi ang mga ito.

"Simon..halughugin niyo na ang buong barko at kunin ang lahat ng pwedeng pagkakitaan. Ako na ang bahala sa mga ito." Sabi ng malaki ang katawan na kalbo. Nanatili sa harap ko ang tatlong Prinsipe.

"Kunin niyo na ang lahat dito, huwag niyo lang kaming gagalawin." Pagbabanta ni Prinsipe Eros na nakahanda pa rin ang espada.

Tumawa yung lalaki at pinasok sa lalagyan ang espada niya. Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Madali kaming kausap..pero pwede bang.." napatingin siya sa akin. "Sa amin na lang ang babaeng nasa likuran niyo--"

"Umalis na kayo dito kung gusto niyo pang mabuhay. Maikli lang ang pasensya ko at kaya kitang patayin ngayon sa kinatatayuan mong 'yan." Galit na sabi ni Rafael. Maski ako ay natakot sa tono ng pagsasalita niya. Natigilan din ang lalaki.

"Hoy, asoca! Ano nang nangyayari dyan?" Tanong ng isang kasama niyang may bitbit na kulay brown na bag na nakasabit sa balikat niya at mukhang naglalaman na iyon ng mga kagamitang ninakaw nila dito sa barko ng Racon.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon