CHAPTER 65: Isla Ardumaya

342 20 1
                                    

Chapter 65
[Isla Ardumaya]

Elmia's P.O.V

"Mia... tulong.."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Emma sa sahig na punong puno na ng dugo. Madilim ang paligid at pero tila may nakatutok sa kaniyang ilaw kaya siya lang ang nakikita ko. Nagtama ang paningin namin. Lumuluha na siya.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko kaya agad akong tumakbo para lapitan siya. "Emma!" Umiiyak na sambit ko.

Mabilis ko siyang nilagay sa aking kandungan. Tiningnan ko ang sugat niya.

"M-Maraming salamat sa... pagkakaibigan.. kayo ni.. Agatha.." ngumiti siya sa akin.

Hindi na matigil ang pag-iyak ko.

"Salamat.."

Umiling iling ako. "Emma..."

Saka ko nakita ang pagbagsak ng mga talukap ng mga mata niya kasabay ang pagbagsak ng luha niya. Sobrang sikip ng dibdib ko na parang paulit ulit na pinupukpok ito.

"Mia..." Naramdaman ko bigla ang realidad. Nawala ang lahat.

"Mia..." Dahan dahan kong binuksan ang mga mata at bumungad sa akin ang pag aalala sa mukha ni Rafael. Hinahaplos niya ang aking pisngi.

"Rafael, napanaginipan ko si Emma.." sambit ko. Hindi na naman napigilan ang pagbuhos ng luha. Tumango siya at pinunasan ang mga luha ko, saka siya humiga sa tabi ko at muli akong niyakap.

"Tahan na..." Aniya.

Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto. Hanggang sa napagod na ulit siguro ang mata ko, wala ng luhang kumakawala. Nakabukas lang ang mata naming pareho ni Rafael, nakatingala sa kisame, habang yakap yakap niya ako.

"Rafael.."

"Hmm?" Bahagya niya akong nilingon. Pero nanatiling sa kisame ang paningin ko.

"Anong napag usapan kanina sa pulong niyo?" Parang ngayon na nagsisink-in sa akin ang lahat. Gusto kong malaman kung sinong gumawa nito kay Emma. Gusto ko siyang maparusahan at makulong. Gusto kong makamit ni Emma ang ghustisyang nararapat para sa kaniya.

Napanaginipan ko kanina si Emma at humihingi siya ng tulong sa akin. Hindi ko man siya natulungan nung panahong nag aagaw buhay siya, sana matulungan ko naman siya ngayon na managot ang kung sinong pumatay sa kaniya.

"Wala pang nakukuhang mga ebidensya sa kung sinong may gawa nito at tanging mga opinyon at haka haka lamang. Ang sabi kanina.. baka taga Racon iyon na nageespiya dito sa palasyo at nagkataong nakita sila ni Emma kaya pinatay nila ito. Ngunit.."

Nilingon ko siya.  "Ngunit ano?"

"Ngunit sa aking palagay hindi taga Racon ang pumatay kay Emma, kundi nandito sa palasyo." Seryosong saad niya.

Napakunot ang noo ko. Agad kong naisip ang Reyna.

"Sa tingin mo ba... Si Reyna Esmeralda ang gumawa nito? Dahil kaibigan ko si Emma?" Siguro masyado akong nagooverthink pero posible.

"Siya rin ang iniisip kong may gawa nito. Pero may isa pa akong pinaghihinalaan.."

"Sino?"

Napabuntong hininga siya. "Si Kahel, isa sa mga hukom,"

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon