Chapter 52
[Agatha]Elmia's P.O.V
"MIA, may kailangan akong sabihin sa'yo," napalingon ako kay Pinunong Miranda.Pagkalabas ng kwarto namin ay agad kaming pumwesto ni Emma sa silid kainan. Hindi kami nakapag kwentuhan doon. Matapos naming kumain ng tanghalian ay papunta na sana kami muli doon ni Emma nang tawagin ako ni Pinunong Miranda.
Nagkatinginan kami ni Emma saka siya tumango. Tumango din ako at sumunod sa nauna nang naglakad na si Pinuno.
Mabilis ang lakad ko at napagtantong sa silid niya kami patungo.
Nang makapasok kami pareho ay isinara niya ang pinto at pinanood ko ang pino niyang galaw paupo sa harap ng kaniyang mesa. Tiningala niya ako.
"Hindi ka na muling hawak ni Prinsipe Leon," diretsong sabi niya. Napakunot ang noo ko dahil parang hindi nagets ang sinabi niya.
"Hindi ka na niya personal na tagapagsilbi at ngayon si Prinisipe Rafael na muli ang may hawak sa'yo.." napaawang ang bibig ko sa narinig. Napakurap kurap ako.
"May nagawa ka bang kasalanan sa Mahal na Prinsipe para tanggalin ka niya?" Mabilis akong umiling.
"Wala po!" Pero napaisip din ako kung meron nga ba akong nagawa kay Prinsipe Leon?..
Pero natigilan din ako ng may maalala. Hindi kaya si Rafael na naman ang may pakana nito?
Nakita ko ang pagngisi ni Pinuno. "Alam mo, sa lahat ng tagapagsilbi, ikaw lang yata ang malapit sa dalawa...pero, napakarami namang tagapagsilbi dito sa palasyo ngunit parang ikaw lang ang nakikita nila." Bahagya itong napanguso at pinagmasdan ako. Napahagikgik siya.
Nakagat ko ang pang ibabang labi. "Hmm, kaibigan po kasi ang tingin sa akin ni Prinisipe Leon kaya malapit po kami.." sagot ko.
"Kaibigan? Si Prinsipe Leon?" Takhang tanong niya. "Sabagay, mabait naman talaga ang Mahal na Prinsipe.."
Tumango tango ako sa sinabi ni Pinuno.
"Eh, si Prinsipe Rafael? Kaibigan din?" Tanong niya ng may nakakalokong ngisi. Napalunok ako at dahan dahang tumango.
"M-Medyo po..."
Nakangisi rin siyang tumango. "Ganoon ba?" Tanong niya na parang alam niyang hindi ako sigurado sa sagot ko.
Hindi ako nakasagot na mas lalo niyang ikinangiti. "O, siya, sige na..Alam mo na ang dapat mong gawin. Dinala lang kita dito dahil ayokong kung sino sino ang nakakarinig sa labas. Maraming tainga doon kaya..mahirap na," muli siyang humahikgik bago tumayo at sinamahan ako palabas. Bago umalis ay yumuko ako sa kaniya bilang paggalang.
Bago pumunta sa silid ni Rafael ay dumiretso muna ako kay Emma. Baka mag alala na naman 'yon kapag umalis ako ng walang paapaalam.
"Talaga? Ano ba kasing nangyari nung nawala ka at hawak ka na naman ni Prinsipe Rafael? Kaiinggit ka talaga," bulong niya sa akin ng masabi ko ang ibinalita sa akin ni Pinuno. Pabiro niya ring kinurot ang tagiliran ko.
"Basta, ikukwento ko nalang lahat sayo mamayang gabi." Parang aso siyang tumango tango.
"Sige na, alis muna ako at kailangan ko nang pumunta sa bago kong amo."
Umalis ako doon at lakad takbo ang ginawa sa malawak na pasilyo papunta sa gitna ng palasyo kung saan naroon ang engrandeng hagdanan papunta sa third floor na akala mo isang malaking bahay na ang laki.
Isang beses akong kumatok sa pintuan niya saka iyon binuksan. Sumilip muna ako bago pumasok.
Nakita ko siyang nakatalikod sa gawi ko dahil sa labas ng malaki niyang bintana siya nakatingin. Magkakrus ang mga braso niya at matuwid ang tayo. Parang kahit nakatalikod palang siya ay bumibilis na agad ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasíaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...