CHAPTER 26: Parusa

552 36 5
                                    

Chapter 26
[Parusa]

Elmia's P.O.V

"BESSY? Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang tinig niya. Napaangat ako ng tingin.

Umiling ako. "Gusto ko ng umuwi...a-ayoko na dito." May luhang lumandas sa pisngi ko. Pinunasan ko ito at tiningnan sa mata si Cindy na nakatayo sa harap ko.

"Mia--" hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa biglang pagsikip ng dibdib ko. Hinabol ko ang paghinga ko. Napahawak ako sa leeg ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ako makahinga!

"MIA!"

Napabalikwas ako sa kamang hinihigaan ko ngayon habang hinahabol ang paghinga. May  malamig na pawis ang tumulo galing sa noo ko. Napahawak ako sa dibdib. Naramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Cindy...

Inilibot ko ang paningin sa lugar kung nasaan ako. Malaki at maluwag ang kwarto. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking kama na kulay chocolate brown. May red carpet sa sahig at may malaking chandelier sa gitna ng kisame na kulay puti. Marami ring kagamitan dito na halos kaparehas ng mga gamit sa kwarto ni Rafael. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang braso tsaka bumuntong hininga. Tinignan ko ang damit na suot ko at it pa rin yung kulay white na gown na suot ko kagabi sa pagdiriwang..

Teka..pagdiriwang.

Napayuko ako. Inalala ko ang mga nangyari bago ako napunta dito. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot.

Nabaling lang ang atensyon ko ng marinig na magbukas-sara ang malaking pintuan. Bumungad sa akin si Leon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

"Mia!" Dali-dali siyang naglakad papunta sa pwesto ko. Umupo siya sa paanan ko at hinarap ako.

"Mabuti't nagising ka na..." Nakangiting saad niya.

"Prinsipe Leon..." sinubukan kong magsalita pero paos na boses lang ang lumabas. Kanina pa ako natutuyuan ng lalamunan. Sinubukan kong lumunok.

"Heto, uminom ka muna ng tubig." Alok niya. May kinuha siyang basong tubig na nakalagay sa maliit na katabing mesa ng kama. Marahan akong umupo at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. Diretso ko itong ininom at agad guminhawa ang pakiramdam ko.

Kinuha niya sa akin ang baso pagkatapos ko.

"Anong nangyari?" Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang mga nangyari kagabi.

Yung...a-alak!

"May nangyari kagabi at..pagkatapos mong mawalan ng malay ay pinauwi na ang lahat ng tao kabilang na ang mga Prinsesa ng Porlatessa. Dinala agad kita dito at pinainom ng gamot. Siya nga pala, ang iyong ina ay pupuntahan ka dito. Sila Antonio naman at ang iyong ama ay pinauwi na." Nakangiti niyang paliwanag. Napakunot ang noo ko.

May mga gumugulo sa utak ko na ayaw ko nang isipin. Natatakot akong mali ang iniisip ko. Hindi na lang ako nagsalita, kaya tumango nalang ako.

"Kung maayos na ang pakiramdam mo ay pwede mong sabihin sa akin para maihatid kita sa inyong tahanan." Dagdag niya pa.

Umiling ako. "Hindi na kailangan, Leon. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Kaonting katahimikan ang bumalot sa amin ni Leon. Bigla ko tuloy naalala si Rafael. Tatanungin ko palang sana si Leon kung nasaan si Rafael ng may biglang kumatok. Napatikhim nalang ako.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon