CHAPTER 48: Ang Kaarawan

418 26 0
                                    

Chapter 48
[Ang Kaarawan]

Elmia's P.O.V

LUMIPAS ang gabi na iyon ng hindi ako umiinom. Okay na rin 'yon. Saka hindi rin naman kami magkasundo nang alak. Nung una nalason ako, tapos nung huli naman kung ano anong nangyari sa akin. Mahirap na...baka kung ano na namang masabi at magawa ko.

Kung ako hindi uminom, si Prinsipe Leon nalasing, dahil mukhang siya ang naparami ng inom. Si Prinsipe Eros naman ay ayos pa dahil tulad ko mukhang hindi rin siya umiinom at nanatili lang na nakakikinig sa mga kwento ng mga kasama namin. Sina Isda at Aso naman ay mukhang natural na sa kanila iyon kaya kahit malalim na ang gabi'y kaya pa nila.

Umalis din naman agad ang mag asawa. Si Tierra ay hindi ko napansin dahil wala naman talaga akong pakielam sa kaniya.

Sina Kapitan at Rafael naman ay nanatili lang doon hanggang sa matapos na kami. Paminsa'y sumusulyap sila sa amin na akala mo kami ang pinag uusapan. Mukhang nagiging close sila, ah.

Kinaumagahan ay napapansin kong lapit ng lapit si Rafael sa akin na siya namang iwas ko. Utos siya ng utos. Kahit maliit lamang na bagay ay iuutos niya pa. Hindi ko alam kung bakit niya ba ginagawa ito. Binablackmail niya ako. Dahil ba hinalikan niya ako pwede na siyang mang asar at gawing biro ang lahat ng ito...

Palibhasa hindi niya alam na first kiss ko yung ninanakaw niya.

Parang walang wala lang sa kaniya ang ginawang iyon at parang normal lang na manghalik na nagagawa niya pang mang asar pero sa akin iba ang epekto. Hindi niya alam kung gaano ako kaapektado doon. Ganoon ba siya sa ibang babae? Basta basta niya rin bang gagawin iyon sa ibang babae?

Kung ano ano ang inuutos niya sa akin sa sumunod na araw na akala mo sa kaniya ang barkong ito. Daig niya pa si kapitan kung makautos. Oo nga, Prinsipe siya at tagapagsilbi ako...pero kasi..

"Doon ka nga!" Inis na sabi ko nang sumulpot na naman siya sa harapan ko pagkalabas ko doon sa maliit na kwarto. Nilibot ko ang paningin kung may tao ba sa paligid. Wala naman.

Nilingon ko ulit siya. Mukhang tuwang tuwa pa ng naaasar ako sa ginagawa niya. Umiling siya.

"Ano na namang iuutos mo, ha? Tatakutin mo na naman ako?" Nilagay ko ang kamay sa bewang. Nagtaas ako ng kilay. "Paano pag ayoko ng sumunod? Hahalikan mo ako? Ganoon ba?"

Mas lalo akong nairita ng umabot na ang ngiti niya hanggang mata. Natigilan ako ng konti dahil sa ngiti niyang iyon dahil ngayon ko lang siya nakitang ganoon ngumiti. Inalis ko yon sa isipan ko at pinakitang naiinis ako sa ginagawa niya.

Umabante ako palapit sa kaniya at inangat ang mukha para naman matapatan ko siya. "O, sige! Halikan mo na!" Hamon ko. Agad akong napapikit ako. Naghintay ako ng ilang segundo bago dumilat. Napakurap kurap ako ng nakita ang reaksyon niya. Naglaho na ang ngiti niya at seryoso nang nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi sa sinabi ko.

Agad akong napahakbang paatras. "Charot," Sabi ko saka mabilis na tinakpan ang bibig pagkatapos ay kumaripas na ng takbo palayo sa kanya. Mariin akong napapikit sa kahihiyan.

Ngayon, gusto ko nalang biglang mag dive sa dagat at magtago sa kailalimlaliman no'n!

Kailan ko ba makokontrol itong bibig ko!

"O, bakit?" Tanong ni Eva nang makita akong hinihingal sa harapan niya. Nandito na ako sa may pinakababang parte ng barko.

Umiling ako at napalunok.

Napatingin nalang ako sa ginagawa niya. Inaayos niya ang mahabang lamesa at marami din siyang nilalagay na pagkain. Kumunot ang noo ko. "Anong meron?" Tanong ko. Napakarami naman yatang hinahanda ngayon. Hindi katulad nung mga nakaraang araw na sakto lang, pero ngayon mukhang madami.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon