Chapter 53
[The Queen]Third Person's P.O.V
"PAGSISISIHAN mo ang lahat ng ginawa mo sa akin, Esmeralda!"
Mabilis na napabangon si Reyna Esmeralda sa kaniyang kama. Mabilis ang paghinga niya. Hinawakan niya ang dibdib. Mariin siyang napapikit sa takot. Nakita niya sa kaniyang panaginip si Lucia...
Galit na galit ito, may hawak na patalim at gusto siyang patayin.
Napadilat nalang siya ng bumukas ang pinto at niluwa no'n si Leon. Ngumiti siya sa presensya ng kaniyang anak. Nang makalapit si Leon ay agad siyang yumakap sa ina.
"Saan ka ba nagpunta at ilang araw kang nawala?" Tanong niya.
Tipid na ngumiti si Leon. "May inasikaso lang na importante, Ina." Sagot nito saka umupo sa gilid ng kama.
Nagtaas ng kilay si Esmeralda. "Mas importante pa sa palasyo? Sa Valeria?"
Hindi na sumagot si Leon at inilibot na lamang niya ang paningin sa buong silid. Kumunot ang noo niya ng bumaling muli sa kaniyang ina. "Nasaan si Ama?" Tanong niya.
"Siguro'y may inasikaso lamang.." sagot ni Esmeralda. Nag-iwas ng tingin. Hanggang sa binago na nito ang usapan.
Nang matapos kamustahin ang ina'y umalis na si Leon. Muli namang nagpahinga si Esmeralda.
Pagsapit naman ng hapon ay handa nang lumabas ang Reyna sa kaniyang silid ng biglang pumasok si Falcon.
"Saan ka na naman galing?" Taas kilay na tanong nito. Nilagpasan siya ni Falcon habang inaalis ang mga nakapatong na damit.
"Nakabalik na ba sila Rafael?" Tanong ni Falcon ng hindi tumitingin.
"Oo, kanina pang umaga. Saan ka nanggaling?" Muling tanong ni Esmeralda. Bumuntong hininga si Falcon bago hinarap ang Reyna. Hindi siya nagsalita at tumitig lamang dito.
Unti unting namuo ang sarkastikong ngisi sa labi ni Esmeralda. "Ahh...Alam ko na," humalukipkip siya't lumapit kay Falcon na mariing nakatitig lang sa kaniya.
"Sinubukan mo na naman bang hanapin si Liranea?"
Nanatiling tahimik ang Hari. Humalakhak si Esmeralda dahil do'n. Nakumpirma ang iniisip.
"Hanggang ngayon ba'y hinahanap mo pa rin ang taksil na babaeng iyon? Gumising ka nga! Hindi na babalik si Liranea! Ako na ngayon ang asawa mo, at huwag mo na siyang hanapin pa!" Hindi na nito napigilan ang galit. Ngunit walang ekspresyon lang siyang tiningnan ni Falcon.
"Tapos ka na? Kung tapos ka na'y maaari ka na bang lumabas?"
Mas lalong namula sa galit si Esmeralda. At sa galit na iyon ay namuo ang kaniyang mga luha.
"Silid ko rin ito kaya bakit ako aalis?! Nag uusap pa tayo!"
Walang ganang tumango si Falcon na tila walang pakielam sa kahit ano mang sabihin ni Esmeralda. Nilagpasan niya ang Reyna saka nagsalita.
"Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis. Pupuntahan ko lang si Sellestina." Saka nito pabagsak na isinara ang pintuan.
Doon bumuhos ang luha ni Esmeralda. Nanghina ang kaniyang mga tuhod dahilan ng pagkawala ng kaniyang balanse. Napahawak siya sa dulo ng kama niya para kumuha ng suporta. Galit siyang lumingon sa pintuan kung saan lumabas si Falcon.
Tumingin siya sa malaking kuwadro na nakasabit sa pader sa gilid. Iyon ang litrato nilang dalawa ni Falcon ng maikasal. Walang nakangiti sa kanilang dalawa doon sa litrato. Doon niya napagtanto na kahit asawa siya ni Falcon ay hinding hindi niya ito mapapaibig. Napapasunod pero hindi ang mapa-ibig.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasiSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...