CHAPTER 18: Murder

827 73 32
                                    

Chapter 18
[Murder]

Elmia's P.O.V

"IKAW ay tagapagsilbi ko lamang. Ako. Akin lang." Sambit niya. Tiningnan niya ako ng mariin.

"Kakausapin ko si Miranda patungkol rito, at kapag nangyari 'yon...sa akin kalang susunod at sasama, naiintindihan mo ba?" Ma-awtoridad na sabi niya. Hindi ako nakasagot. Ano ba dapat isasagot ko?

Nakatungo na lang ako dahil sobrang lapit niya. Humigpit ang paghinga ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.

Sobrang lapit namin. Kahit siguro bulong ko ay maririnig niya dahil sa liit ng distansya naming dalawa. Mabuti nalang at walang tao dito, baka ma-issue na naman kami pag nagkataon. Nasa labas lahat ng kawal at walang nakatalaga na tagapagsilbi dito dahil nga sa utos ng Prinsipe. Napalunok ako.

"Aalis na po ako.." bulong ko habang nakatingin pa din sa sahig. Pakiramdam ko kasi hindi ko siya kayang tingnan sa mata.

"Saglit lamang..." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Inilihis ko agad ang tingin. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"I-iyong kahapon..." Mahinang aniya. Napakagat siya ng mariin sa labi niya. Hindi pa din ako nagsalita at pinagmasdan ang bawat kilos niya.

"Gusto ko lang sanang... h-humingi ng tawad sa nasabi ko sayo kahapon." at doon na ako napatingin ng diretsyo sa kanya. Nagtama ang paningin namin. Napakurap ako ng ilang beses.

"Patawad sa mga kapangahasang sinabi ko. N-nadala lamang ako ng galit. Pa..patawad. Kasalanan ko."

Totoo ba yung narinig ko?

Humihingi siya ng tawad sa akin?

"Huy..." Mahinang tawag niya sa akin, dahil hindi ako nakapag-react agad. Seryoso ba talaga siya? Hindi ba 'to prank?

Pero...mukhang sincere naman siya sa sorry niya. Kinagat ko ang labi at napangiwi. Pinigilan kong ngumiti. Napatungo ulit.

"Elmia..." tawag niya ulit sa'kin. Sa pagkakataong ito diretso ko nang ini-angat ang tingin ko sa mga mata niya.

"Oh?" Tugon ko. Walang bahid ng pag galang. Nakita kong napangiti siya sa sagot ko. Anong kangiti-ngiti sa word na oh? Abnoy talaga.

"Wala..." nakangiti sabi niya. Nag salubong ang dalawang kilay ko.

Ngayon naman ngingiti-ngiti ka.

"Alis na ko." Paalam ko, hindi na ko yumuko sa kanya. Masakit na ang likod ko. Hindi naman na niya ako pinigilan ng bigla nalang akong tumalikod at umalis.

Doon  na 'ko nakahinga ng maluwag. Napapikit ako saka hinawakan at pinakalma ang dibdib. Inilabas na ang kanina ko pang tinatagong ngiti. Bakit parang ang saya ko...

"Oh? Anong iniutos sayo ng prinsipe at nakangiti ka riyan?" Pang-aasar ni Emma pagkrating ko. Tumabi ako sa kanya at umayos na ulit ako ng tayo.

"Wala naman.." nakangiting sagot ko. Bakit ba ako ngumingiti? Dahil nagsorry na siya sa akin? Siguro nga.. Dahil parang magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon