Chapter 50
[Label]Elmia's P.O.V
KINABUKASAN paggising ay lumabas na agad ako ng silid. Pagkalabas ay natanaw ko sa di kalayuan si Rafael. Nakatanaw sa dagat pero agad ding bumaling sa akin ng mukhang narinig ang pagbukas ng pintuan ko. Ngumiti siya.
Napalunok ako doon at nahihiyang ngumiti.
Iniwas ko ang tingin at dumiretso kung saan naroon ang tubig. Nagsalok ako sa baso saka ako pumunta sa mesa kung saan walang mga tao. Pumunta ako sa harap non at doon uminom. Nakatalikod ako sa pwesto ni Rafael. Diretso kong nilagok ang tubig.
Nang maibaba ko ang baso ay may tumabi sa akin. Bahagya ako nitong binunggo sa balikat. Nilingon ko si Isda na nakangisi.
Pabiro siyang tumikhim. "Nakatingin sa'yo yung kasintahan mo, oh..." ngumuso siya sa bandang likuran ko. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa likuran ko na sinasabi niya. Doon ko nga nakitang nakatingin pa rin siya sa akin. Bumalik ang tingin ko sa harap. Napakurap kurap ako ng muling nagsalita si Isda.
"Huwag mo sabihing ikakaila niyo na naman?" Nilingon ko siya. Napalunok ako at naramdaman ang pag init ng pisngi. "Sus..bakit pa kasi kayo nahihiyang aminin, nakita na namin kayo ni Aso kagabi na naghahalik---!" Medyo napalakas ang boses niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata bilang babala.
Napatakip siya sa bibig niya saka mahinang natawa.
Naalala ko ang sinabi ni Rafael kagabi na..
"Ako na ang bahala doon sa dalawa..hindi yon magsasalita sa mga nakita." saka siya tumawa.
Kumunot ang noo ko at tinitigan muli si Isda. Hindi ko sigurado kung mapapasunod ba sila ni Rafael, dahil sa hindi mapigilang mga bunganga nila.
"Hindi na mauulit, Titikom ko na talaga tong bibig ko. Sasabihan ko din si Aso...baka hindi pa matuloy ang ibigay sa amin ni Rafael kapag nag ingay kami, e." Aniya ng natatawa.
"Ibibigay?" Nagsalubong ang kilay ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Oo..Sabi niya bibigyan niya daw kami ng mga ginto kapag nanahimik kami sa nakita kagabi." Saka siya muling tumawa.
Nalaglag ang panga ko at nilingon si Rafael na papalapit na pala sa amin. Seryoso siyang nakatingin sa amin, nang makalapit ay pumagitna siya sa amin ni Isda. Nilingon niya ako pero bumaling din agad kay Isda.
"Anong meron?" Tanong niya.
"Sinabi ko lang kay Elmia yung sinabi mo sa amin kagabi," malaking ngiting sagot ni Isda.
Nakangisi siyang sumulyap sa akin at tinapik ang balikat ni Rafael. "Sige, alis na muna ako," paalam niya saka tumalikod sa amin.
Nang makaalis siya ay siya namang pagharap sa akin ni Rafael. Bahagya akong napaatras dahil sa distansya namin. Kumalabog ang dibdib ko sa pamilyar na nararamdaman. Katulad nalang ng naramdaman kagabi. Mas lalo kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko ng maalala ang mga sinabi niya kagabi...
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Tila may kuryenteng dumaloy sa hawak niya dahilan ng paghataw ng mabilis ang tibok ng puso ko.
Napalunok ako. Lahat ng sinabi niya kanina ay umuulit pa rin sa utak ko. Nang makakalas ako sa biglang yakap ko sa kaniya ay doon ako tinablan ng matinding hiya.
Napakagat ako sa pang ibabang labi.
"Paano nga pala sila Isda.." agad nag init ang pisngi ng maalalang nakita nila na...
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...