CHAPTER 30: Palaso

526 34 0
                                    

Chapter 30
[Palaso]

Elmia's P.O.V

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa o para saan?..

Napunta lang naman ako sa lugar na 'to at hindi ko na alam ang mga nangyari.

Valeria... Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan at pamilya dito sa lugar na 'to. Pero palaging sumasagi sa isip ko na kailangan ko nang bumalik sa pinanggalingan ko. Kaso gusto ko na bang umalis?.. Bakit parang ayaw ko pa?...Pero paano ang mga kaibigan at pamilya ko sa mundo ko?

"Mag iingat ka," Ani Leon. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya. Napalunok ako.

Nandito ulit kami sa kakahuyan kung saan kami nagpunta kahapon. Ang kakahuyan na ito ay nasa bandang likuran ng Palasyo. Nakasuot ako ngayon ng isang damit ng tagapagsilbi na kinuha pa mismo ni Leon sa loob ng palasyo.

"Hindi ka nila mamumukhaan dahil sa dami ng tagapagsilbi roon ay hindi ka na mapapansin. Susunod ako roon at ako na ang bahala sa mga kawal na nagbabantay." Aniya. Tumango ako.

"Pagkalabas niyo ni Lucia ay dito kayo agad dumiretso upang makaalis tayo agad ng walang nakakahuli, naiintindihan mo ba, Mia?" Marahan niyang tanong. Tumango ulit ako.

"Oo.."

Mukhang ayos na sa kaniya ang sinabi ko dahil medyo nawala konti ang pag-alala niya sa mukha.

"Sige, pupunta na 'ko sa itinuro ni Antonio kung saan siya pumapasok at lumalabas dito sa palasyo na hindi nakikita ng mga kawal." Sambit ko saka ko siya tinanguan.

"Mauuna na ako sa'yo..hihintayin kita sa loob," tumalikod na siya at akmang sasakay na sa kabayo.

"Teka, Leon, paano kapag nalaman nila na wala na si Lucia sa kulungan nito?" Napatitig siya sa akin at bumuntong hininga.

"Ako na ang bahala doon," napatango ako. Kinagat ko ang labi dahil sa nararamdamang kaba sa dibdib.

"Mag-iingat ka.." huling sabi niya saka pinatakbo palayo ang kabayo.

Napalunok muna ako saka dumiretso sa medyo kalakihan na butas ng pader na nakapalibot sa kastilyo. Dito pumapasok at lumalabas si Antonio kapag gusto niyang makapunta dito sa loob. Kasyang kasya siya dito dahil maliit pa siya. Yumuko ako at sinubukang ipagkasya ang sarili sa butas.

Pagkapasok ko ay agad kong pinagpagan ang puting damit ko. Ang puting damit ng isang tagapagsilbi. Napabuga ako ng hangin at binalingan ng tingin ang harapan. Bandang kaliwa ito ng palasyo. Marami ring puno na hindi kataasan.

Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano papasok sa pinakaloob. Pero nasagot ang problema ko ng may isang grupo ng tagapagsilbi ang nakapila at mukha papasok sa loob ng palasyo. Lakad takbo ang ginawa ko para mahabol sa pila na iyon.

Napayuko ako ng makarating, ako ang nasa pinakahuling pila. Huminto kami sa harap ng higanteng pintuan na gawa sa makapal na kahoy na kung saan may nagbabantay na dalawang kawal. Binuksan nila iyon at pinapasok kami. Sobra sobra ang kaba ko habang nilalagpasan namin ang mga kawal. Wala na akong ginawa kundi ang yumuko.

Sana lang ay hindi ko makasalubong si Pinunong Miranda o di kaya'y si Pinunong Ariel. Kilala nila ang mukha ko dito, Sabagay masyadong malaki ang palasyo. Pero kahit na..mas maiging nag iingat. Wala akong problema kay Prinsesa Sellestina dahil hindi naman siya palalabas ng silid. Si aling Rosa naman ay naka assign sa kusina kaya hindi din niya ako makikita. At base sa mga narinig ko kanina sa iba ay mukhang hindi pa dumadating si Rafael.

Parang nanikip ang dibdib ko sa tuwing maalala ko siya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dahil siguro alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niya na papakawalan ko si Lucia.. Pero wala naman talagang kasalanan si Lucia. Ang Reyna...siya ang may kagagawan.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon