CHAPTER 19: Bisita

731 69 37
                                    


Chapter 19
[Bisita]

Elmia's P.O.V

"HUWAT?!" Mabilis akong napatakip sa bibig ko. Mahina ko itong tinampal-tampal.

"Ano ba? Pwede ba kung ayaw niyong dalawa matulog, magpatulog kayo?!" Inis na sabi ni Vera sa katabing kama. Inis siyang tumalikod sa amin at nagtaklob ng kumot.

Nagmake face ako sa kanya nung nakatalikod na siya.

Gabing-gabi na at nagchi-chismisin pa kami dito ni Emma. Nandito ako ngayon sa kama niya at pareho kaming naka Indian sit. Tulog na ang lahat ng mga kasama naming tagapagsilbi.

Nagpakwento kasi ako kay Emma about doon sa Racon kung bakit nila nilusob ang Valeria dati. Siguro kailangan ko pa ng history class dito tapos ang teacher ay walang iba kundi si Emma mismo.

"Dahil sa inggit at babae? Sigurado ka ba diyan? Iyan lang ba talaga ang rason ng galit ng mga Racon sa Valeria?" Bulong ko na pasigaw sa kanya. Sabagay maraming nagkakagulo dahil sa inggit. Ito rin talaga ang kadalasang pinagmumulan ng gulo, inggit at walang kakuntentuhan sa kung anong bagay na meron siya.

"Hay nako, Mia, wala ka pa nga talagang alam. Saang lugar ka ba talaga ng galing at parang wala kang alam sa mundo?" Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. Hay nako kung alam mo lang.

"Eih! Basta ikwento mo nalang,"

"Shh.." sitsit niya. Nanahimik na ako.

"Noon kasi, magkakapatid ang turing ng tatlong Hari, sina haring Falcon, Alfonso at Zephir. Dati kasi ay walang anak ang dating Hari ng Valeria na si Haring Valencia at Reyna Dofariena. Kaya inampon nilang ang tatlo. At nagturingan na parang totoong nagkakadugo. Ngunit isang araw, may dumating na babae..." Tumigil siya saglit. Mas lalo akong nakinig sa kaniya. Tuma-tango pa.

"At doon na sila nagkagulo. Siya ang pinakamagandang babae noon dito sa Valeria. Lahat ng lalaki dito sa ating bayan ay nahuhumaling sa kaniya.. Ganoon din ang tatlong prinsipe, na ngayon ay sina haring Falcon, Alfonso at Zephir." Dugtong niya. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy. Hindi na ako sumabat kahit kanina ko pa gustong magsalita.

"Ginawa nila ang lahat para lamang mapansin ng babae, kahit pa ang kapalit nito ay ang magandang relasyon nilang tatlo. Hanggang sa nagtagal, naging magkumpitensya sila at itinuring na kaaway ang isa't isa." Nalungkot yung mukha niya.

"At mas lalong nag alab ang galit nila haring Alfonso at haring Zephir ng piliin nitong magandang babae si haring Falcon." Napatango tango ako.

"At tuluyan na silang naghiwa-hiwalay ng piliin ng dating hari si Haring Valencia si prinsipe Falcon ang hiranging bagong hari ng Valeria. Nagwatak-watak sila at nagtayo ng mga sari-sariling kaharian. Dahil nga sila'y galing sa dating Hari ng Valeria, sinanay sila nito kung paano mamuno at magpalago ng mga yaman. Kaya hindi nagtagal ay nalaman nalang namin na may bayan na ng Racon at Porlatessa. Ang Racon ay kay haring Zephir at sa Porlatessa si Haring Alfonso." Mahabang aniya.

"Mas lalo pa nung namatay si Haring Valencia, ang tumayong ama nilang tatlo. Nagsuguran at hanggang sa walang katapusang gantihan ang nangyari. Pero nagpapasalamat nalang ang lahat dahil ito na yata ang isa sa pinakamatagal na tahimik na mga araw dito sa Valeria."

Napabuga siya ng hangin.

"Si haring Alfonso naman ay wala ng pakielam at tanging ang Porlatessa na lamang ang nasa isip, ngunit napakagahaman niya pag dating sa mga kayaman o mga ginto. Kaya walang nakaka alam kung kaninong kaharian ba siya pumapanig."

Bago pa siya magsalita ulit ay pinigilan ko na siya.

"Okay...tama na, tama na..‘di ko na kaya." pigil ko sa kaniya. Natawa siya.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon