CHAPTER 5: New World

1.3K 111 67
                                    


Chapter 5
[New World]

Elmia's P.O.V

"LUMAYAS ka dito!"

"Magnanakaw ka!"

"Wala kang kwenta!"

"Hindi kita kailangan dito."

"Umalis ka na!"

"M-Miaaa!!!"

Mabilis akong napabangon  nang nag-echo sa akin ang malakas na boses na ‘yon ni Nanay Leticia. Tumatagaktak ang pawis at naghahabol ng hininga. Napapikit ulit ako sabay himas ko sa aking sintido. Parang bigla itong kumirot.

Anong oras na ba? Dinilat ko ang isang mata ko at nasilaw sa araw. Inaantok pa ako. Umaga na pala...

Natigilan ako sa napagtanto.

Kinusot ko ang mga mata. Napakurap kurap. Nakarinig ng mga kakaibang ingay, mga huni ng ibon at pag agos ng tubig.

Kumunot ang noo ko ng may nakita akong ilang ibon sa itaas.

Nakaramdam ako ng pangangati sa bandang paanan ko. Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata ko. Tiningnan ko ang paanan ko at nakitang damo lang pala yun...

Damo...

Nanlaki ang mga mata ko. DAMO?! Agad akong napatayo. Bakit may mga damo dito?! Umikot-ikot pa ako para makita ang kabuuan ng paligid kung nasaan ako. Nasaan si nanay? Nasaan ang kama ko? Nasa'n yung kwarto ko? Ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat.

Diba kanina lang nasa kwarto--- nahinto ako dahil may biglang maalala.

Omygad...

Pangatlong kwarto...Kahon na may ginto..Mga dress..napaka daming damit at higit sa lahat yung...

"Y-Yung portal!" Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil sa narealize.

Sino ba kasi nagpa-uso ng portal-portal na yun, e!

Tinignan ko ang suot ko at naka t-shirt pa ako na kulay orange na may nakadrawing sa gitna na happy face. Naka pajama lang din ako na kulay brown. Naka paa lang ako dahil wala akong tsinelas!

Tumingin ako sa harap ko at nakita ko ang isang malaking puno at may nakaukit ito na linya..

Yung linya na parang nandoon din sa dingding ng pangatlonng kwarto...yung umilaw na naging portal!

Napalunok ako at nilibot ang paningin. Nakaramdam ng kaba. Paano ako makakabalik doon? Iilaw pa ba 'to? At, totoo pala yung sinasabi ng mga tao tungkol sa liwanag na nanggagaling sa bahay ni nanay Leticia tuwing gabi..

Teka--

Ibig sabihin, alam ni nanay ang tungkol sa portal at sa lugar na ito?

Umalis na ako doon sa harap ng puno at baka kung saan pa ako dalhin ng portal na yun! Ayoko na!

Tirik na tirik pa yung araw. Anong oras na ba? Kinapa-kapa ko yung bulsa ko at napagtantong wala doon ang cellphone ko.

Baka naiwan ko dun sa kwarto!

"Nakakainis!" Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta o kung anong unang gagawin ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung maalala ang naiwan kong trabaho doon. Ano ba naman 'yan. Bawas sweldo! Nakakainis! Dapat hindi ko nalang talaga pinasok yung kwarto!

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon