Chapter 15
[Trouble]Mia's P.O.V
"BUKAS na nga pala ang balik ni Rafael." Biglang sabi sa akin ni Prinisipe Leon.
Nandito kami ngayon sa pamilihan. Maaga palang ay pinuntahan na niya ako doon sa pwesto namin ni Emma kanina. Halos buong maghapon na nga kami magkasama kahapon.
‘Di pa ba siya nagsasawa sa'kin?
Nakwento ulit sa akin ni Emma na pinagtsi-tsismisan na naman ako nila Crisella..
Akala ba nila papatulan ko sila? Hindi ko sasayangin ang laway ko para lang makipag-sagutan sa kanila.
"Ah, ganun ba?"
"Halika doon tayo!" Hinatak niya ako papunta sa kung saan. Akala ko nung una papahirapan niya ako tulad ng ginawa ni Rafael sa akin dito sa pamilihan. Mabuti nalang at mabait sakin si Prinsipe Leon.
Hindi siya pansin ng mga tao dahil tulad noong unang kita ko sa kanya nung nandito kami sa pamilihan, nakasuot siya ng mahabang cloak na kulay asul na natatakpan ang mukha, labi lang ang kita.
"Naaalala mo ba ito?" Tanong niya.
Napatingin ako sa paligid. Dito yata yung nakipag-away ako doon sa magnanakaw?..
"Yung sa magnanakaw?" Tanong ko. Nakangiti siyang tumango.
"Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala na magagawa mo iyon," natatawang sabi niya. Natawa din ako.
"Pasensya na pala nung una tayong nagkita dito...Wala akong kaalam alam na prinsipe na pala kinakausap ko." Tawa ko.
Napatitig siya sa akin, "Ayos lang.."
Nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ko rin mai-alis ang tingin ko sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin.
Nginitian ko din siya, pero bakit gano'n?...
~~~•••~~~
Rafael's P.O.V
SAKAY ng kabayo, naglalakbay kami ngayon patungo sa bayan ng Porlatessa. Biglaan akong pinapunta roon ni Ama upang makipagpulong sa kanila.
Gusto ni ama na makausap ko ang hari roon at makipagkasunduan ng kasal sa kanilang prinsesa.
Kahit labag sa loob ko...
Kontrolado niya ang aking buhay, at iyon ang ayoko.
Palihim akong napangisi sa aking plano, kahit alam kong mapaparusahan niya ako sa aking gagawin.
Sa ngayon, ang tanging gusto ko lang ay matapos na ito upang makabalik na ako sa aming palasyo.
Ano kaya ang ginagawa ng baliw na babae na 'yon ngayon?...
Tsk. Siya na naman ang iniisip ko. Ako na ata ang baliw.
~*~
"NARITO NA SI PRINSIPE RAFAEL, ANG UNANG PRINSIPE NG KAHARIAN NG VALERIA!" anunsyo ng isang kawal kasabay ng ingay ng kanilang mga trumpeta.
Taas noo akong naglakad sa gitna ng kanilang palasyo. Halos isang araw din ang naging biyahe namin papunta dito sa kaharian ng Porlatessa. Maunlad ang kanilang bayan ngunit mas doble ang yaman ng Valeria.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...