Chapter 1
[Lumayas Ka]
Elmia's P.O.V"LUMAYAS ka dito!"
Sigaw ni Auntie kasabay ng paghagis niya sa mga damit at iba pang gamit ko sa kalsada. Dahil sa lakas ng sigaw niya ay napapatingin na rin sa amin ang ilang mga dumadaan.
Napatingin ako sa mga damit kong nakakalat na ngayon sa lupa.
Umihip ang malamig na hangin ng gabi. Nagsimulang nang mangilid ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito.
"Auntie! Huwag naman po... maawa naman po kayo sakin! Wala na po akong ibang matutuluyan!" Umiiyak na pakiusap ko sa aking tiyahin habang isa-isa kong pinupulot ang mga damit ko.
"Wala akong pakielam! Pabigat ka na nga dito, magnanakaw ka pa! Hindi ko alam kung bakit kinupkop pa kita nung mawala si ate!"
Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Napailing iling ako. "H-Hindi po ako.. magnana--"
"Lumayas ka!" Sigaw niya pa habang tinuturo ang madilim na kalsada.
Binitawan ko ang mga napulot kong mga damit at saka lumapit sa kanya. Dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya kahit na masakit sa tuhod ko ang mga bato sa lupa. Wala na akong pakielam.
A-Ayokong mapalayas..
Habang nakaluhod, kumapit ako sa damit niya at yumuko para magmakaawa. Wala na akong pakielam sa sakit at pride. Wala na akong matutuluyan, wala na akong mga magulang. Wala na sina mama at papa kaya si auntie na lang ang pamilya ko. Siya nalang ang meron ako.
Hindi pwede, Wala na akong mapupuntahan!
"Auntie, please po...Wala na po akong mapupuntahan," Bulong ko habang nakakapit pa din sakanya. Sinandal ko ang ulo ko sa bewang niya. Hinayaan ang sunod sunod na pagbuhos ng mga luha ko.
Pero parang wala man lang siyang naririnig sa mga pagsusumamo ko.
"Ayoko na. Tama na, Mia. Matagal na akong nagtitimpi sayo. Palagi ka nalang sakit sa ulo! Tapos ganito pa! Hindi ko na kaya! Umalis ka na lang!"
Hindi siya nakatingin sa akin nung sinabi niya 'yon. Bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin? Alam na niyang siya nalang ang kinakapitan ko tapos papaalisin niya ako ng gan'on gan'on nalang na hindi inaalam ang katotohanan?
Napalunok ako at napailing. Ayaw tanggapin ang mga sinasabi niya.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay kong nakakapit sa damit nya at saka ako iniwan at tumalikod sa akin at saka sinara ang gate ng bahay nila.
Umiling iling ako habang humahugulhol sa pagmamakaawa.
Hindi pwede! Hindi...Wala na akong ibang mapupuntahan.
"Auntie!" Sigaw ko kahit na alam kong hindi niya ako lalabasin.
Ilang minuto pa akong nanatili dito sa harap ng bahay niya habang nakaluhod pa rin. Halos wala akong maramdamang sakit sa tuhod. Namanhid na yata.
Hindi ko na din alam kung anong oras na. Basta ang alam ko, gabi na at wala na akong mapupuntahan.
Natulala na lang ako.
Patay na ang mga magulang ko bata pa lang ako dahil sa isang aksidente. Eight years old ako noong nawala sila. Nagkaroon ng sunog noon sa bahay namin kinagabihan. Eksakto namang wala ako doon sa bahay dahil palagi akong nasa labas dahil mahilig akong maglaro kung saan-saan kaya ako lang ang nakaligtas. Ako lang ang nabubay.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...