Chapter 38
[Walang Puso]Third Person's P.O.V
LAHAT ng tao sa bulwagan ay takot na nakayuko dahil ayaw madamay sa mukhang magaganap na gulo dahil sa biglang pagdating ng mga taga Racon.
Sa kabilang banda, si Reyna Esmeralda ay palihim na napapangiti sa mga nangyayari.
"Hindi ka talaga imbitado dito, Zephir, kaya umalis ka na." Galit na sambit ni Haring Falcon.
Sarkastikong natawa si Zephir. "Kakarating ko palang pero heto't pinapaalis mo na agad ako."
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo, Zephir. Ginugulo mo ang kasiyahan namin at tinatakot mo ang mga taong nasasakupan ko." Tiim bagang na tugon ni Falcon habang ang isang kamay ay nakahawak na sa hawakan ng espada--na nasa lalagyan pa rin nito-- kung sakaling may maling galaw si Zephir.
Inilibot ni Zephir ang paningin sa paligid.
"Natatakot kayo?" Tanong ni Zephir sa mga tao. "Dapat lang talagang matakot kayo!" Biglang galit na sigaw nito. Nawala ang sarkastiko at nang aasar na ekspresyon nito.
Mas lalong natakot ang mga tao. Ang ibang bata ay nagsimula nang umiyak na pilit na pinapatahan na ng kanilang mga magulang.
Nakaramdam din ng kaba at takot sila Mia at mga kasama nitong tagapagsilbi na malapit lamang sa dalawang haring nag uusap. Si Rafael naman ay nakahanda na sa kung ano man ang mangyayari. Si Leon naman ay natitigilan saka bumaling sa kaniyang ina na kunyaring natatakot sa mga nagaganap pero alam na niyang ang kaniyang ina ang nagpatawag sa mga ito.
"Ano bang kailangan mo?!" Galit na din na sambit ng Hari na tinugunan agad ng malakas na halakhak ni Zephir.
"Hindi mo kasi ako inimbitahan, kaya ako na ang kusang nagpunta dahil nabalitaan kong ikakasal na ang iyong panganay na anak sa Prinsesa ng Porlatessa. Tama ba, Alfonso?" Nakangiting baling ni Zephir sa kay Alfonso na katabi ang kanyang dalawang anak na Prinsesa na natatakot na ngayon. Hindi nakapagsalita si Alfonso.
"Mukhang magsasanib pwersa kayo, ah? Para ba talaga sa mga anak niyo, o para kalabanin na naman ako?" Natatawang aniya na napalitan agad ng galit.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"Kaya ka ba nandito dahil natatakot kang matalo? Dahil alam mong magtutulungan ang Valeria at Porlatessa?" Singit ni Rafael. Naglakad siya sa harap habang pinapasok muli sa lalagyan ang kanyang espada.
Natigilan si Zephir at matalim na binalingan si Rafael. "Takot ba kamo, Rafael?" Biglang lumabas na naman ang nakakatakot nitong ngisi.
"Nagkakamali ka dyan. Kaya ako nandito hindi dahil natatakot ako kundi dahil para ipaalam sa inyong lahat na kahit magsanib pa kayo ng Porlatessa ay hinding hindi niyo mapapabagsak ang Racon. Sa katunayan ay kayang kaya kong patayin lahat ng mga tao dito." Ngisi pa nito.
Tumingin si Zephir kay Reyna Esmeralda na hinihintay ang senyas kung saan ang pwedeng ipangtapat kay Rafael.
Nakuha iyon ng Reyna at sinenyas niya ang ulo para ituro ang direksyon kung nasaan si Mia. Napalingon doon si Zephir. Madali niyang naunawaan ang senyas ni Esmeralda dahil bahagyang nakalayo si Mia sa mga kasama at madaling makita.
Humalakhak muli si Zephir.
"Tingnan natin ngayon, Rafael kung sinong mas takot." Sambit nito na agad pumunta sa direksyon ng mga tagapagsilbi at hinablot ang braso ni Mia.
Nanlaki ang mga mata ni Mia sa hindi inaasahang pagkuha sa kaniya ni Zephir. "B-Bitawan mo 'ko!" Hila ni Mia sa kamay niya pero masyadong malakas si Zephir para makawala siya.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...