CHAPTER 21: Home

735 57 31
                                    

Chapter 21
[Home]

Third Person's P.O.V

LUMIPAS ng mabilis ang mga araw at dumating na ang katapusan ng buwan. Naglalakad ngayon si Leon patungo sa isang silid sa kastilyo ng Valeria, silid na matagal na niyang hindi natutungo. Ngunit ngayong araw ay pupuntahan niya ulit ito at haharapin ang tao sa loob.

Dahan dahan niyang binuksan ang malaking pintuan ng silid na iyon dahilan upang umingit ang pintuan. Hawak niya ang paghinga habang hawak ang seradura ng pintuan.

Pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang taong nasa loob ng silid.

Prente itong nakaupo sa harapan ng kanyang mesa. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Leon. Napatayo ito.

Nasa bandang gilid nakalagay ang mesa nito at nasa gitna ng silid ang malaki niyang kama na maraming palamuti sa mga gilid nito.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa. Marahang lumapit sa kanya si Leon.

"May inasikaso lamang akong importante." Napaiwas ng tingin si Leon. Nagsinungaling siya. Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay ng babae.

Umupo ulit ito at nilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Kumikilos na siya." Nakatitig siya kay Leon habang sinasabi niya ito. Tinitignan niya ang magiging reaksyon ni Leon.

Napatingin si Leon sa kanya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang nasa isip.

"Panahon na para gawin naman natin ang ating parte." Nakangising dagdag nito. Napalunok si Leon.

"Kailangan mapaalis sa pwesto si Rafael, nang sa gayon ay ikaw ang hirangin bilang unang prinsipe at tagapagmana ng hari." Pinagsalikop niya ang dalawang palad at ipinatong ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa. Maganda ang ngiti nito na tila sang-ayon ang lahat sa kanyang plano.

Napatitig sa kanya si Leon, "Ayoko na." Sa wakas ay nasabi din niya.

Nanlaki ang mata ng kausap niya dahil sa kanyang tugon. Napatayo ito sa kinauupuan dahil sa gulat at galit.

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi nakasagot si Leon.

"Nahihibang ka na ba, Leon?" Napataas na ang boses nito. "Ano ang iyong sinasabi?!" Nanlaki ang mga mata niya sa galit.

"May utang na loob tayo sa kaniya kaya kailangan mong sumunod sa plano!" Dagdag pa niya.

"Ayoko na. Ayoko nang maging hari. Ang nais ko na lamang ay makasama ang babaeng gusto ko at mamuhay ng payapa." Natigilan ang kausap niya. Naitagilid nito ang kanyang ulo at bigla na lamang napangisi.

Dahan dahan ulit itong umupo sa kanyang upuan. Pinapanood lamang siya ni Leon at napagtantong may mali siyang nasabi..

"Babae.." tumatango-tangong aniya.

Napatiim ang panga ni Leon, mukhang alam na niya ang nasa isip ng kausap niya.

"Kung ganoon..may babae kang kinahuhumalingan ngayon?" Mahina itong natawa na agad ding naglaho. Tinignan niya ng matalim si Leon.

"At mukhang siya pa ang makakasira ng plano ko." Dumiretso siya ng upo.

"Sino siya?.. Ipakilala mo siya sa akin..." napasulyap sa kanya si Leon. Nagtataka kung bakit ganoon ang sinabi nito.

"Hindi na kailangan." Matigas na sagot ni Leon.

"Bakit? Sino ba siya? Dalhin mo siya sa akin..." Blangkong sambit muli nito.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon