Chapter 20
[Rain]Elmia's P.O.V
PAGKATAPOS ang pagbisita ni Antonio kahapon ay parang gumaan ang pakiramdam ko.
Parang mas nakahinga ako ng maluwag dito sa lugar na ito na hindi ko naman kabisado. 'Yung feeling na naliligaw ka at nakahanap ka ng kakilala mo. Sobrang gaan sa pakiramdam.
Naramdaman ko ulit sa sarili ko na hindi ako mag-isa. Kaya sa susunod na linggo ay pupunta ulit dito si Antonio. Sumang-ayon naman doon si Rafael kaya sa unang pagkakataon ay natuwa ako sa kanya.
Napangiti ako.
"Huy, Mia..bakit ka ngumingiti mag-isa riyan?" Biglang napawi ang ngiti sa labi ko nang sikuhin ako ng katabi kong madaldal. Umikot ang mata ko.
"Wala," Dumiretso ako ng tayo, ganun din si Emma. Tanghali na ngayon at wala si Rafael ngayon kaya nandito muna ako. May pinuntahan daw siya, malay ko ba kung saang lupalop siya nag punta at wala akong pake.
Katatapos lang din namin kumain kanina bago kami nagpunta dito sa pwesto namin. Infairness nasasanay na ako sa mga pagkain nila dito. Masasarap din naman kasi, kaso nga hindi ko alam ang mga pangalan, o kung may pangalan nga ba.
Natigil ako sa pag iisip ng may matanaw akong naglalakad palapit. Sabay sabay kaming nag bow nang makalapit ma ito sa amin.
Si Prinsipe Leon...
Nakangiti siya habang tinitingnan niya kaming lahat. Hindi ako mapakali ng huminto ang titig niya sa akin.
"Mia,"
Namilog ang mga mata ko habang nakatitig sa sahig. Nahihiya pa din ako sa kanya dahil sa nangyari nung nakaraan.
Nagsalita ulit siya ng hindi ko pa din siya tinitingnan.
"Maaari ka bang sumama sa akin?" Mahinang sambit niya. Napalunok ako.
Hindi ako agad nakasagot. Pa'no ‘yan? Kay Rafael lang ako pwedeng sumama at pinagbawalan niya na akong sumama sa iba.
Pero.. wala naman siya ngayon. Pwede naman siguro. Tsaka ano pang ginagawa ko dito kung hindi din naman ako pwedeng sumunod sa utos ng iba? Anong gagawin ko dito, kung ganoon? Tutunganga lang hanggang sa mapanis ang laway ko? Ba't pa ako naging tagapagsilbi diba?
"Elmia," napatingin na ako sa kanya ng tawagin niya ulit ako. Napakagat ako sa labi. Mukhang nakita niyang nag-aalangan akong sumama sa kanya.
Bakit ba kasi takot ako sa Rafael na 'yon? Hindi naman ako takot sa kanya dati, ah.
"Huwag kang mag-alala, nagpapasama ako sayo bilang kaibigan, hindi bilang amo mo na nag uutos sayo." Tumitig siya sa mga mata ko ng mag angat na ako ng tingin sa kaniya. Naramdaman kong siniko ako sa tagaliran ni Emma habang nakaiwas ng tingin sa prinsipe. Nakaramdam ako ng hiya dahil naririnig niya pati na nila Crisella ang sinasabi sa akin ngayon ni Leon, isama pa ang kaartehan ko.
Eh, hindi naman ako nag iinarte. Iniisip ko lang ang amo ko.
Napakamot ako sa batok. "Ah..." Bago pa ako makapagsalita ay hinigit niya na ang braso ko na tila nabagot na sa paghihintay saka ako hinila palabas ng bulwagan. Hindi na ako nakapagsalita at nakapagreklamo hanggang makalabas kami ng palasyo.
Pagkalabas namin ng tarangkahan ay may napansin akong itim na kabayo, sa gilid nito ay si pinunong Ariel na may hawak ata na damit? Napatagilid ang ulo ko.
Yumuko sa kanya si pinuno ng makarating kami sa harap nito. Iniabot niya kay Leon yung asul na cloak pala.
"Salamat, pinunong Ariel." Yumuko lang sa kanya ang matanda at saglit na napatingin sa akin saka siya nagpaalam para umalis. Sinuot naman ni Leon yung cloak, pero hindi niya muna sinuot yung hood nito. Saka siya humarap sa kabayo.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasiaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...