Chapter 75
[Esmeralda's Dark Past]Elmia's P.O.V
"AYUSIN niyo ang paghawak sa kaniya." Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ng mga kawal sa braso ko ng sabihin iyon ni Pinunong Harem sa likod namin habang dinadala ako ng mga kawal sa Pissar.
"Ah--" daing ko.
"Opo, Pinuno, hindi po namin hahayang makatakas ang traydor--"
Malakas na binatukan ni Pinunong Harem ang nagsalitang kawal. "Hangal! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin! Ayusin niyo ang pagkakahawak sa kaniya, huwag niyong higpitan! Isa pa rin siyang babae."
"M-Masusunod po.." naramdaman kong niluwagan na nila ang pagkakahawak sa akin.
Nilingon ko ang kulungan ni Agatha ng madaanan namin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Mabilis siyang tumakbo patungo sa rehas niya.
"Mia!" Sigaw niya habang nakahawak sa mga rehas.
Lumapit ang isang kawal, na nakasunod lang sa amin, sa pintuan ng kulungan na katabi lang ng kay Agatha.
Hinatak ako ng isang kawal na may hawak sa akin patungo sa loob.
"Dahan dahan!" Galit na sigaw ni Pinunong Harem sa kanila.
Natigilan ang dalawa at biglang rumahan ang pagpasok sa akin sa kulungan.
"Halika na, Binibini.." halata doon ang takot.
Tiningnan ko siya ng masama ng pakawalan na nila ako at sinara na ang kulungan. Nagbigay galang muna sila kay Pinunong Harem.
Tiningnan rin ako ni Pinuno bago siya umalis kasunod ang kaniyang mga kawal. Nagpakawala ako ng buntong hininga, pilit pinapakalma ang sarili. Nilibot ko ang madilim na kulungan ko. Walang kagamit gamit at walang mga bintana.
"Mia!" Tawag sa akin ni Agatha na nasa kabila lang.
Dahan dahan akong lumapit sa aking rehas at kahit gusto ko siyang silipin ay hindi ko magawa.
"Hi, Agatha.." pilit akong tumawa. "Atleast magkasama na tayo ngayon, pwede na tayong magchikahan dito di'ba?"
Pero narinig ko lang ang hagulhol niya sa kabila.
"Anong nangyari, Mia?" Nanginginig na tanong niya.
Kinagat ko ang labi para hindi rin maiyak.
"Bakit ka nila dinala dito? Hindi ka dapat nandito, Mia! Anong nangyari!"
Ngumiti lang ako kahit hindi niya nakikita. "Pangalawang beses ko ng naranasang makulong kaya okay lang ako dito, tsaka nandyan ka naman." Naalala ko yung nakulong ako sa Racon.
Saglit siyang natahimik.
"Alam kong... sinasabi mo lang 'yan... pero ang totoo.. sobra ka ring nahihirapan. Hindi ko alam yung mga napagdaanan mo dito bago pa tayo magkakakilala pero alam kong... Kinakaya mo lang pero nasasaktan ka na rin... Kaya ako nagsakripisyo na magpakulong dito.. para matapos na ang paghihirap mo dahil kahit hindi mo sabihin.. nakikita ko 'yon sa'yo. Pero ngayon.. nandito ka pa rin.. nahihirapan na naman.."
Lumayo na ako doon sa rehas at umupo sa gilid. Habang sinasabi niya iyon ay hindi na napigilan ang pagbuhos muli ng mga luha ko, lumayo ako doon para hindi niya marinig ang mga hikbi ko.
~*~
THIRD PERSON'S P.O.V
"Teka! Bitiwan niyo ako! Ano ba?! Kakausapin ko lang naman ang mahal na Prinsipe!" Sigaw ni Esmeralda habang may dalawang pumipigil sa kaniya para pumasok sa palasyo.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasíaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...