Chapter 54
[Kiss]Elmia's P.O.V
PAGKALABAS ko ng kwarto ni Rafael ay agad na akong pumunta kay Emma. Natagalan pa ako doon dahil kinulong ako ng yakap niya. Mas lalo akong magtatagal doon kung hindi ko ipipilit sa kaniyang kailangan ko ng umalis.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang palapit kay Emma. "Anong nangyari?" Nakangiti ring tanong niya. Mukhang nahahawa sa kasiyahan ko. Umiling lang ako pero panay ang lingon niya sa akin habang nakangisi.
Patapos na rin naman ang oras ng trabaho kaya pare parehas na kaming umalis. Nagsiliguan na rin kami para makapaghanda na sa pagtulog.
Pagkarating sa silid namin ay nagulat si Emma ng may ibang babae na nakaupo sa kama ko.
"Sino ka?" Kunot noong tanong niya habang pinagmamasdan ang suot na damit ni Agatha na pang tagapagsilbi rin.
Napatayo si Agatha at nahihiyang ngumiti. Nakita ko rin ang ibang mga babae na lumalapit sa amin dahil sa bago naming kasama.
"Ako nga pala si Agatha.." nakangiting sabi niya. Napalingon siya sa akin. Mabuti't hindi niya binaggit ang buong pangalan niya.
Nakarinig kami ng sari saring reaksyon galing sa mga kasama namin. Nagpakilala din ang iba sa kaniya. Sinabi rin ni Agatha na tinulungan ko raw siya para makapasok bilang tagapagsilbi dahil wala na siyang mapupuntahan.
Nang makaalis sila ay hinila ko na si Emma paharap kay Agatha.
"Agatha, ito nga pala si Emma.." nakangiting sabi ko. Sinenyasan ko si Agatha.
"Hi?--i mean--Hello! Ay mali, kamusta!" Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Pilit nalang akong natawa.
"Emma, siya naman si Agatha..Isa ring kaibigan. Magiging kasama na rin siya natin. Matutulog din siya sa kama ko." Sabi ko. Nakangiting kumaway din si Emma kay Agatha bago bumaling sa akin.
"Teka, ayos lang sayo?" Agad akong tumango roon.
Matapos ang ilang sandali at tumambay muna si Emma sa kama ko. Nakipagkwentuhan siya kay Agatha kahit na medyo ilang pa sa kaniya ito at hindi alam ang mga isasagot. Natawa ako sa kanila pero kalaunan ay agad din silang nagkasundo. Nang pinatay na ang pangkalahatang ilaw sa kwarto namin ay senyas na iyon na kailangan na naming matulog.
Humikab ako at tumayo sa hinihigaan kong kama ni Emma.
Pero itong si Emma ay hindi pa rin umaalis sa kama ko katabi si Agatha na naka Indian sit pa. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang nakangising titig niya sa akin dahil sa nanggagaling na liwanag mula sa labas ng malaking bintana, ang Hardin na napapalibutan ng mga ilaw.
"Mukhang may nakakalimutan ka yata?" Bulong ni Emma.
Kumunot ang noo ko pero agad ding nawala ng may maalala. Kwento..
Kahit inaantok na ay lumapit na ako sa kanilang dalawa. Umupo ako sa kama at mahinang ikwinento ang nagyari sa akin sa Racon hanggang makarating sa Barko nila Kapitan. Habang nagkukwento ay bigla ko silang namiss.
Ang hindi ko lang sinabi sa kanila ay ang samin ni Rafael. Mabuti nalang din at hindi na naalala ni Emma ang tungkol sa kwintas. Naikwento din pala niya ang pakikipag sabunutan niya kay Crisella dahil sa mga pinagsasabi nito.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasiaSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...