Chapter 11
[Tagapagsilbi]Elmia's P.O.V
MARAMI pang sinabi yung tagapagsalita sa harapan, nagsalita rin ang Hari at Reyna pero lutang na ang isip ko, kaya wala na akong naintindihan sa lahat ng sinabi nila. Naintindihan ko lang ng patapos na.
"Ang pinunong tagapagsilbi na ang bahala sa inyo. Muli, magandang umaga." Sabi ng tagapagsalita saka umalis sa harap.
Hindi ako makagalaw man lang, dahil alam kong may halimaw na nakatingin sakin sa likod. Hindi ako assumera, dahil nung mapatingin ako sa side nila kanina ay napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin!
Para bang sinasabi niya sa mga tingin niya lagot ka sa akin ngayon.
Mas lalo lang akong dinagsa ng kaba sa dibdib.
At hindi lang 'yon. Nakangiti pa siya! Alam kong hindi isang simpleng ngiti lang ‘yon. At yung ngiting yun ang pinaka kinabubwisitan ko. Para siyang nang-aasar sa pamamagitan ng pag ngisi niya, at hindi ako natutuwa doon. Parang may binabalak na masama!
Kahit lutang ay nakisabay nalang din ako kila Aling Rosa. Hindi ko na pinansin ang bwisit na prinsipe na prenteng nakaupo sa trono niya.
Nakatalikod na kaming lahat ngayon sa Royal Family. Nakaharap kami ngayon sa isang babae na medyo matanda na rin. Siya yung sumalubong sa amin kanina. Siguro mga nasa 50s na ito. Nasa gitna siya at halatang istrikto. Ngayon ko lang siya napagmasdan, busy kasi ako kanina kakatingin sa paligid.
Nakasuot siya na long sleeve na gown na pinaghalong light blue at white na kulay. Sa magkabilang gilid niya ay may tig-isang babae din na tagapagsilbi na may suot na man na simpleng pure white gown-- na mukhang uniporme ng mga tagapagsilbi dito. Magkasalikop ang mga kamay nila at nakatayo sila ng maayos at diretso.
"Ako si Miranda, ang pinunong tagapagsilbi dito sa palasyo." panimula niya, mahihimigan mo sa kanya ang pagiging ma-awtoridad.
"Ngunit bago ang lahat.. kailangan muna nating isagawa ang proseso ng pagpili ng mga talagang may nais magsilbi dito sa palasyo." Dagdag niya pa. Narinig ko ang ilang singhapan ng mga kasama ko. Pagkatapos no'n ay sinabi niya ang proseso ng pagpili sa aming mga makakapasok. Lumapit ang ilang kawal sa amin upang dalhin kami sa isang gilid at pinapila. Sa dulo ng pila na iyon ay may isang babae ang nakaupo at may mesa sa kaniyang harapan.
Nasa likod ako ni Aling Rosa habang hinihintay namin ang pila. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba ng mga itatanong nila pero kumalma lang ako ng ako na ang tinanong. Tinanong lang naman kung anong pangalan ko, ilang taon na, saang sitio nakatira, at ano ang dahilan ko kung bakit ako nandito. Mabuti nalang at nabulungan agad ako ni Aling Rosa na pwedeng isagot.
Tumango ang nagi-interview sa akin at inilahad sa akin ang direksyon kung saan sama-sama na ang mga natapos na. Inaabangan ako ni Aling Rosa doon kaya mabilis na akong lumapit sa kaniya.
Sa harap namin ay tahimik kaming tinitingnan ni Pinunong Miranda. Matapos ang lahat ay napansin kong nabawasan ang ilang mga maiingay na kasama ko, pero madami pa rin kami. Pinauwi na ba yung mga hindi nakapasa?
Nagsalita na rin si Pinunong Miranda ng matapos na ang lahat.
"Ngayon... Siguraduhin niyong magagawa niyo ng maayos ang mga trabaho dito sa palasyo ng buong taon. At susunod lang kayo sa mga utos o bilin ko. Ako lang at ang mga kamahalan lang ang pwedeng mag utos sa inyo. Walang tagapagsilbi ang ipapasa ang trabaho sa isa pang tagasilbi. Tandaan niyo, ang palasyo ang pinagsisilbihan niyo at hindi ang kapwa niyo tagapagsilbi. Malinaw ba?" Sabay sabay kaming lahat na sumagot ng
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...