CHAPTER 17: Batas

816 77 44
                                    


Chapter 17
[Batas]

Elmia's P.O.V

INIRAPAN ako nila Crisella pati na ang mga kasama niya nang nakarating na kami ni Emma sa pwesto namin. Hindi ko sila pinansin at diretso nalang ang tingin ko.

Kahapon, ilang oras akong umiyak sa kama ko dahil sa masasakit na sinabi ng walangyang prinsipe na 'yon. Sinulyapan ko ang mga kalmot ko na unti unti nang gumagaling. Yung pasa ko naman ay meron pa rin.

Nandito na naman kami sa pwesto namin at naka tass noong habang naghihintay ng utos.

Inaasahan kong dadating ngayon si prinsipe Leon, pero hindi siya dumating. Siguro mas okay na yun.

Gusto ko na talaga silang iwasan. Kahit na tinuring ko nang kaibigan si Leon. Ang dami kasing nangyayari kapag malapit ako sa kanila.

Mayamaya ay biglang dumating sa harap namin si pinunong Ariel. Nagbigay galang kaming lahat sa kanya.

"Ano po ang inyong ipag-uutos, pinunong Ariel?" Tanong ni Kira. Isa sa mga kasama ni Crisella.

Ngumiti ang matanda sa amin at saka siya tumingin sa akin.

Kinabahan ako bigla. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

Mukhang alam ko na kung bakit siya nakatingin sa'kin.

Ayoko..

"Ipinatatawag ka ng ating Prinsipe, tagapagsilbi.." nakangiting sambit nito.

Napalunok ako.

Sabi na, eh. Anong gagawin niya? Aasarin na naman ako? Sasabihan na naman niya ako ng mga masasakit na salita?

Pero anong gagawin ko? Ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayoko siyang harapin. Nababadtrip ako sa kanya.

"A-ah...paumanhin po, Pinunong Ariel...ngunit, masakit po ang a-aking..ulo, kaya..si Emma nalang po ang inyong u-utusan." Pagsisingungaling ko. Hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

Napatingin ako kay Emma. At binigyan ko siya ng makahulugang tingin at mukhang na-gets naman niya. Naikwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari sa akin kahapon.

"Kung ganoon..halika ka na, tagapagsilbi." Baling niya kay Emma. Nagbigay galang kaming lahat at umalis na siya kasunod si Emma.

Nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti na lang at hindi na nagbubulong-bulungan sila Crisella sa gilid ko. Sinasabi ko na nga ba, na kapag malayo ako kay Rafael, iwas kapahamakan ako.

________

Rafael's P.O.V

Nakaupo ako sa aking silya dito sa likod ng palasyo sa may hardin habang nagbabasa ngayon ng may naramdaman akong paparating...

Mukhang sila na ito..

Hindi ko sila tiningnan. Palihim akong napangiti.

"Kamahalan..." Boses ni Pinunong Ariel ang aking narinig. Hindi ko siya binigyang pansin at hinintay kong magsalita siya. Si Mia..

Dahil hindi ito nagsalita ay hindi na ako nakatiis at tumingin na ako sa kanila.

"Bakit hindi--" napahinto ako sa aking sasabihin nang makitang ibang tagapagsilbi ang kasama ni pinunong Ariel ngayon. Namumukhaan ko siya. Siya iyong kaibigan ni Elmia na nagsabi sa akin ng nagaganap kagabi.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon