Chapter 76
[Malaya]Elmia's P.O.V
SINANDAL ko ang aking ulo sa matigas na pader sa likod ko habang dama ko sa inuupuan kong sahig ang lamig. Halos matuyo na rin ang labi at lalamunan ko dahil sa uhaw. Wala ring sapat na hangin dito kaya parang ang hirap hirap huminga.
Hindi ko alam na ganito ang dinananas dito ni Agatha.
Marahan akong pumikit at lumunok. Biglang dumaan sa alaala ko ang itsura ni Rafael kanina nung inaakusahan nila akong traydor. Nakita ko na naman sa mga mata niya ang nakakatakot na lamig noong unang beses ko siyang makitang lubos na nagalit sa akin.
Naniwala kaya talaga siya? Naniniwala ba siya na magagawa kong lasunin ang Reyna? Alam kong pwede kong gawin 'yon dahil sa matinding galit pero hindi ako ganoong tao. Hindi ko kaya 'yon. Kaya ang binibintang ng mga kasama ko at ni Crisella ay hindi ko magawang tanggapin. Siya nga hindi ko malason lason, yung Reyna pa kaya.
Pero.. kung maniwala nga si Rafael sa mga sinasabi nila sa akin.. wala na rin sigurong halaga dahil parang nawalan na siya lalo ng pakielam sa akin.
Hindi ko rin maitanggi ang pait na naramdaman ko sa sagot niya ng halos pandirihan ni Pinunong Kahel ng malaman nila na nagkaroon siya ng relasyon sa isang tagapagsilbing kagaya ko.
Tapos na kami..
Oo nga tapos na kami. Tama nga naman siya. Tapos na kami. Wala na siyang karapatang ipagtanggol ako sa pangmamaliit ng iba.
Nagmulat ako at bumuga ng hangin. Kung paniwalaan nga ni Rafael ang kasinungalingan ni Crisella wala na akong magagawa. Kung maging traydor ako sa paningin niya wala na akong magagawa.
Napayuko ako. Pinahinga ko na muna ang isip. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga nangyayari sa akin ngayong araw. Bakit na ba ako napunta sa ganito? Bakit na nga ba ako nakielam sa Reyna? Sana palang pala nanahimik nalang ako. Sana noong una palang bumalik na agad doon sa Eisera noong pwede pang bumalik. Kaya ngayon wala na.
Kanina mag kausap pa kami ni Agatha pero mukhang nakatulog na siya sa kabila. Hindi ko alam kung gabi na ba sa labas dahil wala man lang bintana dito. Hindi ko rin alam kung anong ihahatol na parusa sa akin bukod sa pagkakakulong ko dito. Mabigat ang pinaratang nilang kasalanan sa akin at imposibleng sa kulungan lang ang bagsak ko. Tiyak akong pinaghahandaan na naman ni Reyna Esmeralda ang gagawing parusa sa akin.
Kung kamatayan ang kakahantungan ng parusa ko, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong.. kung nandito lang sana si Prinsipe Leon.. maniniwala siya sa akin.
Natulog muna ako at nagising nalang ng makarinig ng ingay na parang binubuksan yung kulungan ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog o kung anong oras na. Natulog lang din ako sa malamig na sahig. Umupo ako at nilingon ang binubuksan kong pintuan. Napakurap kurap, pinipilit aninagin ang dilim sa labas ang dalawang bulto ng tao na papasok sa lugar na ito.
Nang mabuksan nila iyon ay agad silang naglakad palapit sa akin. Dalawang babae. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Binibining Farrah iyon!
Napatayo ako at napangiti.
Sinarado ng nakayukong kasama niya muli ang pintuan.
"B-Binibining Farrah.. bakit po kayo narito?.."
Ngumiti siya. "May gusto kasing makita ka, Mia.."
Doon nagpakita sa dilim ang kasama niyang nakasuot ng damit ng pang tagapagsilbi. Halos manghina ang buo kong katawan ng makita kung sino iyon. Parang biglang bumalik yung lahat ng sakit na pinipilit ko ng tanggalin kanina. Hindi ko na kontrolado ang mga luha ko ng tuloy tuloy itong nagsibagsakan. Naitakip ko nalang ang nanginginig kong mga kamay sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
ФэнтезиSi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...