ALAM kong tama ang desisyon ko at paninindigan ko ito. Pinili ko ang mundong ito kasama siya. Handa na akong yakapin ang buhay na pinili ko dito kasama siya at ang pamilyang minahal ko na.
Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Rafael ng kumalas kami sa yakap. Tuloy tuloy pa ring bumubuhos ang luha ko habang sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Nilapit niya ang ulo ko para mariing halikan ang aking noo. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang kamay ko. Hinalikan niya muna ang likod no'n bago niya marahang hinaplos.
Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko ng may ilabas siyang singsing at dahan dahang ipinasok sa aking palasingsingan. Saktong saktong ito sa aking daliri. Habang nakayuko siya doon sa aking kamay ay saka siya nag angat ng tingin sa akin.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Mahal ko," mababa at mahinang sambit niya. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti. Yung totoong ngiti. Ngiting masaya at kuntento.
Nagtagal pa kami ng ilang oras doon ng magkasama at sobrang saya ng puso ko sa bawat oras na lumilipas.
Malalim na ang gabi ng mapagpasyahan niya na akong ihatid. Noong una ay ayaw ko pa dahil gusto ko pa siyang makasama pero naisip kong sa pinili kong desisyon ay mas maraming oras at araw ko pa siyang makaka piling.
Hinatid niya ako hanggang sa bahay. Hindi naman na siya nakita pa nila Mang Leandro noong gabing 'yon dahil tulog na ang mga ito. Mabuti nalang at sinabi nila sa akin kung saan nila nilalagay ang isa pang susi ng bahay nila. Nakatago lang ito sa isa sa mga paso na nakalagay sa harap ng bahay nila.
"Kung ganoon, mauuna na 'ko.." Lumapit siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka ako mabilis na hinalikan. Napapikit ako at dinama ang labi niya kasabay ng kung anong kiliting nararamdaman sa aking tiyan. Wala nang tao sa lugar na ito dahil halos lahat na ata ay tulog na.
Pinauna niya muna akong pumasok bago siya umalis sakay ng kaniyang kabayo. Hindi ko na lalo maiwasan ang pagngiti ko kahit nakapasok na ako sa bahay.
Sinarado ko ang pintuan. Sumandal ako doon saka ko hinawakan ang aking dibdib. Napapikit ako.
Biglang sumagi sa alaala ko ang pag alis din ni Agatha kanina.
"Agatha... ito ang pinili ko.. at sana maging masaya ka rin diyan sa pamilya mo. Hinding hindi rin kita makakalimutan.. at masaya din akong naging kaibigan kita." Bulong ko sa sarili habang nanatiling nakapikit. Ni hindi ko man lang nasabi sa kaniya 'yon bago siya umalis.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hinahanda ang sarili kung paano ipapaliwanag ang pagkawala ni Agatha. Maaga na rin akong nagluto para kina Mang Leandro.
Nang magising sila tulad ng inaasahan ay hinanap nila si Agatha sa akin.
"U-Umalis na po siya, sinabi niya sa aking pupuntahan niya na ang totoong mga magulang niya doon sa bayang pinagmulan niya." Sambit ko nalang habang naghihintay ng sagot sa akin si Mang Leandro. Natigilan siya saglit.
"Kaya ba ganoon nalang siya magpasalamat sa amin kahapon?"
Dahan dahan akong tumango.
"Saang bayan nga pala naroroon ang mga magulang niya?"
Ako naman ang natigilan.
"U-Uh.. hindi ko po alam.. hindi naman po niya nasabi sa akin.. basta... Uhm.. malayo daw po."
Tumango nalang siya. "Mabuti naman at magkasama na ulit sila ng pamilya niya. Ikaw ba? May naaalala ka na ba tungkol sa mga magulang mo kung mayroon?"
Hindi ako nakasagot. Oo nga pala. Nagpanggap akong may amnesia noon ng makilala ako ni Antonio.
BINABASA MO ANG
When I Enter His World
FantasySi Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito...