CHAPTER 62: Balik Palasyo

354 22 0
                                    

Chapter 62
[Balik Palasyo]

Rafael's P.O.V

"MAY plano na po ba kayo kung paano mapipigilan ang pagsugod ng Racon, Kamahalan?" Tanong ni Harem. Narito siya ngayon sa aking silid nagbabakasaling may iuutos ako sa kaniya.

Hindi ko siya binalingan, tanging sa librong hawak ko lamang nakatuon ang mga mata ko.

Mas makakagalaw ako dahil wala sa palasyo si Mia. Ayokong idamay siya sa mga pwedeng mangyari. At mas maganda na rin ito dahil malayo siya kay Esmeralda.

"Meron na," sagot ko. Sinulyapan ko siya. "Nautusan ko na ang kapatid mo sa nararapat niyang gawin kaya huwag ka nang mag alala, Harem."

Tumango siya at yumuko upang magbigay galang sa akin.

"Tawagin niyo nalang po ako kung may ipapagawa po kayo," Sabi pa niya.

"Sige, salamat."

Saka siya lumabas na ng aking silid. Nang maisarado ang aking pintuan ay saglit akong tumigil para mag isip. Sinara ko ang librong binabasa at nilagay ito sa katabing mesa.

Dahil sa ginawa naming panglulusob sa kanilang barko dahil sa pagligtas namin ni Leon kay Mia ay mas lalong nagalit doon si Zephir at gumawa ng mas mabilis na hakbang upang gantihan at sugurin kami.

Pero bago pa siya makaalis ng kaniyang palasyo ay sinusuguro kong hindi na siya matutuloy. Napangisi ako ng maalala.

"Handa na po ang mga pinagawa niyong gamot sa akin, Prinsipe Rafael." Salubong sa akin ni Emir, ang kapatid ni Harem na Pinunong Kawal ng Racon.

"Mabuti, siguraduhin mong iinom lahat ng kawal mo bago ang araw na pinagplanuhan niyong pagsugod sa aming kaharian." Sabi ko.

"Iinom na rin ako, Kamahalan.. para hindi mahalata," suhestyon niya pa.

"Kung makakabuti sa'yo 'yan.." Sabi ko. Tumango siya at ngumiti habang pinagmamasdan ang bote na may itim na likido sa loob.

Hindi lason ang gamot na iyon. Pang pahina lang ng katawan dahil sa magiging sunod sunod na pagdumi mo. Nung una ay ayoko ang plano ni Emir na umanib sa amin dahil ibig sabihin no'n ay tinatraydor niya ang Racon. Pero nagpumilit siya na tutulungan niya ako dahil alam niya ang kamaliang ginagawa ng Racon at ni Zephir.

Kaya kampante ako ngayon na walang mangyayaring pagsugod sa Valeria, dahil kailangan pang magpalakas ng mga kawal ng Racon.

~*~

Elmia's P.O.V

Tahimik at mabilis na lumipas ang mga araw para sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng maalalang sa isang araw ay muli na naman akong papasok sa palasyo.

Pero siguro naging busy doon si Rafael. Gusto ko na rin ulit makita sina Emma at Agatha. Ang huli kasi naming pagkikita ay yung nakaraan pa nung nagkita kita kami sa Sentro. Si Prinsipe Eros naman ay mukhang masaya rin ang lovelife dahil sa ilang araw niyang paghihintay kay prinsesa Akira ay nagbunga naman ng maganda. Dalawang beses na dumating si Prinsesa Akira at tulad ni Prinsipe Eros ay hindi niya suot ang pangmaharlikang damit. Pero parang wala rin namang pinagkaiba dahil halos ganoon pa rin kaganda ang suot niya.

Dalawang beses na silang nagkikita pero mukhang ang dami na nilang alam sa isa't isa.. minsan kasi ay naabutan ko silang magkasama at tinulungan ko pa silang magtago at lugar na mapapasyalan para makapag moment naman.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon