CHAPTER 58: Sa'yo lang

409 21 0
                                    

Chapter 58
[Sa'yo lang]

Elmia's P.O.V

"KUMUHA ka ng mga libro sa silid aklatan, alam na ni Farrah 'yon. Pagkatapos ay dalhin mo sa aking silid, doon kita hihintayin." Nakangiting utos ng Reyna.

Agad akong yumuko. "Masusunod po,"

Saka niya ako tinalikuran at umalis. Nagmadali na rin akong lumabas ng bulwagan para mapuntahan ang silid aklatan. Agad binuksan ng mga nagbabantay na kawal ang pintuan ng sinabi kong utos ng Reyna.

Tahimik na paligid ang sumalubong sa akin. Malamang library..

Hinanap agad ng mata ko si Binibining Farrah na saktong tumayo sa kinauupuan at napalingon sa akin. Saglit siyang natigilan bago siya lumapit sa akin. Napalunok ako ng makita ang strikto niyang mukha.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya pagkalapit.

Yumuko ako muna sa kaniya bago sumagot. "May pinapakuha pong mga libro ang mahal na Reyna," sagot ko.

Umarko agad ang isang kilay niya. "Mukha namang wala siyang hilig sa pagbabasa kaya bakit ka niya inutusan dito?" Hindi ako nakapagsalita dahil sa bahagyang gulat sa sinabi niya.

Kinumpas niya ang kamay. "Kalimutan mo na. Halika sumunod ka sa'kin," saka siya naunang naglakad papunta sa mga bookshelves. Nakasimangot siya habang pinapadaan ang daliri sa mga libro.

Nang makita niya ay saka niya kinuha. Dalawa iyon na makapal saka niya iniabot sa akin.

"'Yan lang 'yon," aniya. Tumango tango ako at niyakap ang dalawang libro.

Muli akong yumuko para magpaalam. "Maraming salamat po, Binibining Farrah. Aalis na po ako." ngumiti ako at tatalikod na sana ng bigla niya akong tawagin sa mismong pangalan.

"Mia," agad akong humarap sa kaniya. Parang wala naman akong natatandaan na sinabi ko sa kaniya ang pangalan ko noon.

"Ano po 'yon?" Takhang tanong ko. Hindi na pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Hangga't maaari'y lumayo ka kay Esmeralda," napakunot ang noo ko, naguguluhan sa sinabi niya at sa paraan niya ng pagtawag sa reyna. Wala na siyang iba pang sinabi at saka niya na ako nilagpasan. Pero dahil gulong gulo na ako ay sinundan ko siya.

"Saglit lang po, Binibining Farrah.." tawag ko. Napahinto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon.

"B-Bakit po ganoon ang sinabi niyo? May.. may iba pa po ba kayong nalalaman sa akin saka sa Reyna? Saka.. yung huli po nating pagkikita no'n.. yung sinabi niyo sa akin kung nasaan ang pissar dahil papakawalan ko si Lucia. Bakit parang alam na alam niyo ang gagawin ko nung oras na 'yon? Tsaka paano niyo nalaman ang pangalan ko?" Sunod sunod na tanong ko. Matagal na rin 'tong gumugulo sa isip ko. At ngayon nagkaroon na ako ng tyansa para mailabas ito.

Dahan dahan niya akong hinarap saka siya unti unti napangisi. "Sabihin nalang nating.. may nagsasabi sa akin kaya may mga alam ako tungkol sa'yo. Basta't ang payo ko lang sa'yo ngayon, huwag mong hahayaan na magkaroon ng mga impormasyon ang reyna tungkol sa'yo." Saka niya ako muling tinalikuran.

Agad akong kinilabutan doon. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Alam kong parang wirdo pero pakiramdam ko kailangan ko siyang sundin.

Nang makalabas ako doon ay iyon lang ang nasa isip ko. Pinagbuksan ako ng isang kawal sa pintuan ng silid ng reyna.

Nakaupo siya sa isang sulok kung saan may mahabang mesa. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Napayuko ako.

When I Enter His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon