Chapter 41

2 0 0
                                        

Chapter 41

Nandito na tayo Aling Terresa" wika ng driver sa tabi ko. Tinitigan niya ako bago nagsalita ulit

"Oo nga, ikaw nga yun. Nakita din kita kasama si Russel, Nga pala aling terresa asan si Russel?" Baling niya dito.

"Bumyahe na papuntang Canada"

"Biglaan ata yun, kala ko sa makalawa pa" hindi na siya sumagot. Bumaba na din ako nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng sasakyan. Nagulat ako nang may lumapit na mga lalaking nakaitim sakin at pinalibutan ako. Nanlalaki ang mata ko na sumulyap kay aling terresa nanghihingi ng tulong.

"A-anong kailangan niyo sakin?"

"Oh my! Saviona!" Nang madinig ko ang malakas na sigaw na iyon kasabay ng paghagulhol. Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang isang babae.

Agad niya akong hinila at niyakap.

"Yun ang anak nila di ba?"

"Oo nga totoo ngang nakita na siya" nagkakagulong usal ng mga taong papalapit samin. Lalo kaming pinalibutan ng mga lalaking nakaitim.

"Wag niyo hahayaang masaktan ang anak ko!" Sigaw ng Ginang sakin.

"Sav, Anak papasok muna tayo sa loob" tukoy niya sa building. Tumango ako. Naguguluhan man ay nagawa ko pa ding lingunin ang mag asawang sabay na pumasok sa sasakyan. Hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat o humingi ng tawad ay hindi ko nagawa.

Nagawa naming takasan ang mga taong pilit na lumalapit samin kanina.

"S-sino po ba sila at bakit ganon sila satin?" Tanong ko sa Ginang ng makapasok kami at maging kumportable sa kwartong pinasukan.

"Mga reporter lang ang mga yun kaya wag mo masyadong isipin, kumusta ka na anak? Anong nangyari sayo? Alalang alala ako sayo!" Umiiyak niyang tanong sakin. Parang nakita ko na siya noon, pero hindi ko lang maalala.

"H-hindi ko po alam" nakayuko kong usal.

"P-panong hindi mo alam?"

"Pero papano niyo po nalaman na dito ang punta namin nila aling terresa?"

"Ang Schoolmate mo noon na si Michelle ang nagsabi na dito ang kita namin ng mga kumuha sayo"

"Hindi naman po nila ako kinuha, tinulungan pa po nila ako."

"San mo ba nakuha yang mga sugat nayan?"

"Hindi ko po alam, at ang totoo maging kayo po ay hindi ko naaalala-"

"Oh my! Honey! Nawalan ka ng alaala? Ako ang Mommy mo, P-papano natin pagbabayarin ang ginawa sayo ng mga hayop na yun kung hindi mo sila kilala?" Umiiyak niyang tanong. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Alam niyo kung anong nangyari sakin?"

"Nang late nako umuwi non ay naabutan kong gulo gulo ang bahay natin at umiiyak ang Daddy mo! Ang sabi niya ay nang tangkain mong protektahan ang daddy sa mga lalaking mag nanakaw na yun ay nasaksak ka!" Mas malakas na ngayon ang pag iyak niya.

"Iyak ng iyak ang Daddy mo dahil wala siyang nagawa para protektahan ka! Maging ako ay wala!"

"N-nasan po siya?"

"Maya maya lang ay uuwi na tayo para makita mo na siya, miss na miss kita Anak" muli pa siyang yumakap. Naghiwalay lang kami ng may biglang pumasok sa kwartong iyon. Natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Matikas siyang nakatayo sa harap ko, malalim ang paghinga at halata ang pagod at lungkot sa mata, mamula mula ang mata maging ang labi.

"Aiden, w-walang naaalala ang anak ko" mariing usal ng ginang sa harap ko. Hindi man lang siya nag abalang alisin ang tingin sakin. Mabilis siyang naglakad at lumapit sakin. Nanlalaki ang mata ko nang mahigpit niya kong yakapin.

Napasulyap ako sa Mommy ko daw, nag iwas ito ng tingin bago lumabas sa kwartong iyon. Muling bumalik ang atensyon ko sa lalaki nang makarinig ako ng mahinang paghikbi. Teka? Umiiyak ba siya?.

"A-ahh excuse me-"

"I really missed you" bulong nito saka mas binaon ang muka sa leeg ko.

"H-hindi kita kilala"

"Kahit hindi moko kilala basta bumalik ka, ayos na" malungkot na aniya.

"S-sino ka ba?"

"Hayaan mong magkusa" yun lang ang sinabi niya saka kumalas sa yakap at hinalikan ang noo ko. Nanlalaki ang mata ko siyang tinignan!

"Susubukan kong mapaalis ang ilan sa mga reporter para maayos kayong makaalis" magsasalita pa sana ako nang umalis na siya.

Wala pang ilang segundo ay pumasok na uli si Mommy.

"Lalabas na tayo ha? Hindi ko sigurado kong wala na talagang tao sa labas pero hindi kita pababayaan" matamis na ang ngiti nito saka ako inakay.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon