Chapter 8
Sobrang epal kase nang babaeng yon. Nakatayo ako sa entrance ng School habang namomroblema. Gusto kong pumunta pero nagsabi akong hindi ako pupunta. Kung hindi kase ako nabadtrip dun eh!. Wala sa sarili akong naglalakad nang biglang dumating si Aixen.
"Ano G. na ngayon?" Masayang tanong nito. Naisip kong wala naman gagawin dahil hindi nga ako makakapunta. Tatango na sana ako nang masulyapan ko si Aiden na nakasandal sa isang sasakyan. Panay ang tingin sa relo at sa building ng School.
Mabilis akong umiling at tumakbo patungo kay Aiden. Naramdaman ko namang sumunod si Aixen.
"Bat ka nandito Doc?" Tanong ko ngunit hindi siya sakin tumingin kundi sa likod ko. Nang malingunan ko ay nagtititigan sila ni Aixen.
"I'll pick you?" Usal nito saka tumingin sakin.
"May driver-"
"Nauna na" utas niya saka muling tumingin kay Aixen.
"Ah Si Aixen nga pala Doc. Kaibigan ko." Pagkilala ko kay Aixen. "Aixen Si Dr. Pangilinan" pakilala ko namn dito. Tumango lang si Aixen saka nagpaalam na mauuna na.
"Ah?"
"Get in" usal niya bago binuksan ang pinto ng passenger seat. Sumakay din naman agad ako. Seryoso siyang sumakay sa driver seat saka nagmaneho.
"Ahm. Pupunta ba tayo don?" Tanong ko ngunit nananatili siyang tahimik.
"Nag usap kayo ni Vriene?" Balik tanong niya. Umiling lang ako. "Lagi ba kayong magkasama nun?" Dagdag tanong niya. Muli akong umiling.
"San ba tayo pupunta?" Nahinto lamang ako nang huminto kami sa isang tabing kalsada. Iba't ibang tao ang nakita ko. Kinuha niya ang kamay ko saka inakay palapit sa isang tindahan ng mga street foods. Kumuha siya ng stick saka inabot sakin. Kumuha siya ng kanya at nagtusok na ng kanya. Nakakailan na siya ngunit tulala lang ako sakanya. Hindi ko inaasahang makikita siyang ganito. Naglagay siya sa isang cup ng iba't ibang klase ng street foods saka ako inakay paupo sa sementong upuan doon.
Nakaupo na siya samantalang nakatayo pa ko sa harap niya kung hindi niya pako hinila paupo ay tutunganga lang ako doon. Hawak hawak ko pa din ang isang stick hindi alam kung anong gagawin doon. Isinenyas niya saking kumuha ako. Dahan dahan naman akong kumuha at sinunod sunod na nang marealize na masarap iyon.
Tahimik lang kaming kumakain. Nang magsalita siya.
"Psychology says, Sometimes you never know the true value of a moment until it becomes a memory that you wish you could experience again" wika niya na patuloy pa din sa pagkain. Napatitig ako sakanya nang tuluyang maunawaan ang ibig sabihin nang sinabi niya. Kinuha ko ang phone ko saka tinapat sa muka namin.
"Smile!!" Sigaw ko ngunit ang nakuha sa camera ay ang nagtataka niyang muka. Sumama ang muka dahil iyon ang una naming litrato. Naalala ko yung nakita kong picture
"May naging girlfriend ka na ba?" Tango lang ang sinagot niya.
"Ilan?"
"Idunno"
"Madami ba?" Pangungulit ko
"Sakto lang"
"Ilan yung sineryoso mo?"
"Isa siguro? Immature pako non bakit?"
"Wala naman" patay malisya kong tugon.
"Naging girlfriend mo ba yung sineryoso mo?" Nagulat ako ng umiling siya.
"Kung sino pang hindi mo naging girlfriend yun pa ang sineryoso mo? Hahahah baka kinarma ka" tawa ko na nagpabunsangot sa muka niya.
"I told you. Immature pa ko nun"
"Eh ngayon?" Usal ko. Tumitig lang siya sakin saka kinuha ang phone ko at siya mismo ang nagpicture samin. Sa puntong iyon ako naman ang Epic!.
"Thanks" saad ko nang maihatid niya ko samin. "Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko nang sumulyap siya sa bahay namin. Umiling din naman siya.
"Hindi na" wika niya saka sumakay at bumusina lang nang paalis na.
Paakyat na sana ako nang makarinig ng pagbasag sa opisina ni daddy dahan dahan akong sumulyap doon. Bubuksan ko sana iyon nang magbukas ang pinto at salubungin ako ni Daddy nanlalaki ang mata niyang tumingin sakin saka ako mahigpit na hinawakan sa braso.
"Anong narinig mo!? Sumagot ka!" Malakas nitong usal.
"Ser, ano pong nangyari" tanong ng isang kasambahay. Patulak niya kong binitawan na naging dahilan ng pagtama ng likod at braso ko sa hagdanan. Madiin akong napapikit sa sakit na dulot non.
"Iwas iwasan mo ang pagiging baliw mo! Baka yan ang ikapahamak mo" Malakas na sigaw nito saka pumasok muli sa opisina niya.
"Ma'am ayos lang po ba kayo" inalalayan niya akong makatayo. Ganon nalang ang takot ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako makatulog sa sobrang pag iisip. Natatakot akong baka may ibig sabihin ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
عاطفيةKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
