Chapter 26

1 0 0
                                    

Chapter 26

Hindi maalis ang titig ko sa screen ng phone ko. Sino bang mahilig magsabi about psychology thing?. Sino bang laging naglalagay ng p.s sa dulo ng text message niya? Pero parang imposible. When you're sad you understand the lyrics.

Malungkot ako... kaya ba naintindihan ko? Na ilelet go na niya ko? Bakit ngayon lang? Bakit masyadong matagal? Pero bakit may parte sakin na gusto siyang pigilan. Na hindi niya ko pwedeng ilet go. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung hindi pako pasukin ni Mommy ay hindi ko pa mamamalayang maraming oras nakong nasayang.

"Sav naman! Tapos nakong magluto ay ganan pa din ang pwesto mo" nagmamadali akong naligo. Hindi na nga ko nakapag ayos ng mabuti dahil sa pagmamadali. Hindi na din ako nagbreakfast.

"Bye Mom, dad take care po" naluluha kong paalam kumaway lang si daddy at sumakay na dahil sobrang excited nito. Yumakap naman sakin si Mommy.

"I will miss you Mom" emosyonal kong usal sakanya.

"Me too. Don't skip meal okay? Wag ka masyadong magbabad sa pag aaral magpahinga ka din" paalala niya sakin. Hindi na din nila ako pinipilit magkaroon ng matataas na marka. Sabi ni Mommy ay kahit ano daw ang makayanan ko ay ayos lang pero sa kabila non ay nag aral pa din ako. Napatunayan kong hindi ko na kailangan sisihin ang tunay kong magulang dahil sa ginawang pag iwan sakin sa halip ay nagpapasalamat dahil hindi ako ganto ngayon kung hindi ako mapunta sa pamilya to.

"Call me when you're free huh?" Umiiyak na niyang usal.

"Opo opo. Sige na po may pasok pa po ako. Bye Mom. I love you"

"I love you honey" minsan pa siyang humalik sakin saka sumakay. Kumaway lang ako sakanila saka malungkot na umalis para hindi mahuli sa klase.

Lumipas pa ang isang linggo. Mag isa ako sa bahay. Tinutuon ko nalang lahat ng pansin sa pag aaral.

"Ilang buwan nalang naman ay makakauwi ka na dito" saad ni Mommy.

"Oo nga po. Hindi nako makapag antay. I really missed you po"

"I miss you too. Pano ba yan i have to go na. May meeting ako"

"Okay po" saktong pagpatay ko sa video call ay siya din naman  pag vc ni Aixen.

"Ohhh ganda natin ah" bungad niya sakin.

"Well"

"Wala bang gwapo natin diyan?" Natawa ako

"Sure. Gwapo natin diyan ah" panggagaya ko sa sinabi niya.

"By the way where are you?" Tanong ko nang hindi mapamilyaran ang background niya.

"Cafe may tinatapos lang akong project"

"Ohh? Gagraduate ba tayong cum laude dan?" Biro ko. Napasimangot naman siya.

"Tsk. Buong akala ko dati ay pareho tayong gagraduate dito nang cum laude ang kaso mo una wala ka dito pangalawa ay baka hindi ako makasama"

"Why?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam kung pinag babantaan mo ba ang mga student dito dati pero nung pag alis mo ay siyang dami ng matatalino dito" natawa ako.

"Sinasabi mo bang magpapatalo ka?"

"Ofcourse not!"

"Hahaha ano laban?"

"Payting!" Bigay na bigay niyang sigaw. Natatawa siyang lumapit sa screen.

"Pinagtitinginan nila ako" bulong niya lalo akong natawa.

"Boba ka ba?!" Nawala ang ngiti ko dahil sa lakas ng sigaw na yun galing sa linya ni Aixen.

"What's that?"

"Ahh may away babae dito" pilit kong sinisilip iyon kahit alam kong hindi ko naman makikita.

"Aiden! Baliw yang kasama mo!" Doon ko tuluyang naalala ko kaninong boses iyon.

"Aixen"

"Mamaya nalang" magsasalita pa sana ako nang bahagyang lingunin ni Aixen ang likod kung saan nandon ang sinasabi niyang nag aaway dahilan para makita ko din iyon. Natulala ako nang makita si Aiden nakaputing long sleeve na nakatupi hanggang siko at pants hawak ang braso ni Vriene na animong umaawat. Naputol na doon dahil binaba na ni Aixen.

Naging sila ba uli? Naiiyak ako sa walang dahilan. Sinisisi ang sarili sa pagiging tanga kakaasa. Ako naman ang umalis pero bakit ako ang mas apektado.

Lumipas pa ang buwan hindi ko alam kung pano kong nakayanan maging mag isa sa loob ng mahigit tatlong buwan nakatulong na rin siguro ang minsang pagsama sa mga kaibigan. Bukod doon ay wala nakong ibang ginawa kundi ang mag aral.

"Excited nako bukas!" Magiliw na sigaw ni Eli isa sa kaibigang babae.

"Sobra" si Cora naman na isang mahiyain.

"Party tayo bukas after graduation! Celebration natin!" Tuwang tuwa usal naman ni Steve.

"Dun sa maraming babae!" Hindi nagpahuli si Angel. Isang lalaking kaibigan naman. Natatawa pa rin ako sa tuwing tinatawag ko siya sa pangalan niya naiinis kasi siya dahil ayaw niya sa pangalan niya pangbabae daw samantalang sobrang gandang lalaki niya daw. Mas gusto niyang tinatawag siya sa ikalawang pangalan.

"Takaw babae ka talaga Mark" irap ni Eli dito.

"Gusto ko sana kaso kinabukasan ng graduation ay lilipad nako pauwing pilipinas." Nagulat sila sa sinabi ko. Masaya talaga kong nakilala sila. Parepareho kaming nagkakaintindihan dahil lahat kami ay lumipat lang din dito sa Canada pero sa pilipinas lumaki.

"What?" Bakit naman biglaan?" Malungkot na tanong ni Cora.

"Nasabi kong nauna na sila Mommy inaantay lang talaga ang graduation saka ako uuwi."

"Andaya naman!"

"Dito ka nalang baby Kate" pagpout pa ni Angel

"Umayos ka nga angel" pinitik niya ang noo ko. Nahinto ako nang may maalala.

"Ang sabi ko ay Mark ang itawag niyo sakin!" Sermon pa niya. Ngumiti na lamang ako.

"Stay Saviona" usal naman ni steve lalo kong kinatawa dahil muka silang mga bata na hindi nabigyan ng candy.

"Pag naging succesful nako ay babalik din ako dito" paninigurado ko.

Ganon nalang ang gulat ko nang sabay sabay silang lumapit at yumakap sakin. Maya maya lang ay narinig ko na ang mahinang hikbi ni Cora.

"Bakit ka ba umiiyak dan shy!" Saad ni Eli habang nakasubsob pa din ang muka. Dahil nga mahiyain si Cora ay shy ang tawag namin sakanya dahil nga shytype siya.

"W-wala lang" suminghot pa siya pagkatapos sabihin iyon.

"Badtrip kang shy ka!" Unang bumitaw si Eli nang sulyapan namin siya ay umiiyak na din. Sabay na silang humagulhol ni Cora. Natatawa ko silang nilapitan saka pinaggugugulo ang buhok.

"Parang abnoy!" Nangingilid ang luha kong usal. Nang mapasulyap naman kila steve ay namumula na din ang muka mata nila. Tinuro ko ang muka nila.

"Panget tayo bukas pag umiyak tayo!"

"Oo nga dapat ako ang pinakamaganda bukas" kantyaw ni Eli na kakatapos lang umiyak sabay sabay kaming nagtawanan.

Hindi ako makatulog sa excitement na nararamdaman. Hinawakan ko ang kwintas na suot. Graduation ko na bukas. Nakangiti kong usal. Dagdag pa na gagraduate akong cum laude. Hindi ako makaramdam ng inggit o lungkot dahil walang sasama sakin sa halip masaya pako dahil magagawa kong gawin iyon mag isa. Sapat na sakin na suportado ako nila mommy.

Nagising ako nang mas maaga pa sa inaasahan ko. Kahit anong ginagawa ko ay hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Masaya kong dinampot ang phone ng magvibrate iyon .

~Unknown Number~

Congratulations!

P.s love me

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon